top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Heroesdelninetysix at Early bird, lalarga

BULGAR
Jul 15, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 15, 2022


Masusubukan ang husay ng magka-kuwadrang Heroesdelninetysix at Early Bird paglarga ng PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong gabi.


Sasakyan nina Conrad Henson at Fernando Raquel Jr. sina Heroesdelninetysix at Early Bird ayon sa pagkakasunod, makakatagisan nila ng bilis ang pito pang tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.


Usap-usapan ng mga karerista sa social media na paniguradong mapapalaban ng todo sina Heroesdelninetysix na dadalhin ang numerong 3 at Early Bird na bitbit ang numerong 3A.


Ang ibang kalahok ay sina Doktora, One Fifteen, Hugo Bozz, Calle Loreto, Basket Of Gold, Grand Laughter at Eyeshot. "Mahuhusay ang mga kasali, malaki ang tsansa nina Basket Of Gold, Eyeshot at Doktora na manalo," pahayag ni Frederick Velasco, veteran karerista.


Nakalaan ang added prize na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang P10,000 na karagdagang premyo ang kukubrahin ng mananalo.


Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa Condition Race (23) na pakakawalan sa pangatlong karera.


May distansiyang 1,200 meter race, posibleng magdomina ng bentahan ay sina Kusing at Don Damiano.


Makakalaban nina Kusing at Don Damiano ay sina Baling Rikit, Boy'sofmeadows, Batang Heroes, Galing Sa Mabait, Hannah Rosa at Polloc Island.


Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista.


Ang lahat ng karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Perfect Time (2), Smarty Jas (5)

Race 2 - Full Payment (4), Flintridge (8), Daldalero (7)

Race 3 - Don Damiano (3), Kusing (4), Hannah Rosa (7)

Race 4 - Phenom (4), Lady Khaleesi (2), Antique Collector (3)

Race 5 - Primetime Magic/Bacuit Bay (1/1A), Chocolate Thunder (4), Bebang (7)

Race 6 - Save By Hope (5), Great Connection/Tontoneeto (1/1A), It's A Deal (6)

Race 7 - Basket Of Gold (7), Heroesdelninetysix/Early Bird (3/3A), Eyeshot (9)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page