top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Heroesdelninetysix at Early Bird inaasahan sa PHILRACOM 

BULGAR
Mar 11, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 11, 2022


Nakatutok ang ibang karerista sa magka-kuwadrang Early Bird at Heroesdelninetysix dahil posibleng magpakitang gilas ito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Batak sa laban ang mga pambato ni horse owner Napoleon Magno na sina Early Bird at Heroesdelninetysix pero tiyak na makikilatis ang kanilang husay laban sa anim pang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.


Nagkomento ang ibang karerista sa facebook page ng karera, para sa kanila malaki rin ang tsansang manalo ng ibang kalahok tulad nina Mark Of Excellence at Battle Scar na rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patty Ramos Dilema. "Lahat ng kasali may mga angking galing kaya sigurado magandang laban ang mapapanood natin dyan," saad ni Ernie Salazar, veteran karerista.


Nakalaan ang added prize na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Happy Maggie, Eyeshot, Bravo at Rain Rain Go Away.


Sisikwatin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P10,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pitong races ang nakahain ngayong araw kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Isa rin sa maaaring abangan ng mga karerista ay ang labanan ng limang mahuhusay na kabayo sa Condition Race (24) na pakakawalan sa unang karera.


May distansyang 1,400 meter race, ang mga magtatagisan ng bilis ay sina A Certain Smile, Boy'sofmeadows, Tontoneeto, Pagbabago at Tito Gene.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Tito Gene (5), Boy'sofmeadows (2)

Race 2. Early Bird/Heroesdelninetysix (1/1A), Battle Scar (5), Bravo (7)

Race 3. Bishop Blue (4), It's A Deal (3), Noh Sen Young Yana (14)

Race 4. Dimakya Island (4), Double Rock (1), Lady Khaleesi (8)

Race 5. Apollo/Don Lucas (7/7A), Bullet (4), Bakya Mo Neneng (2)

Race 6. Since When (6), Smiling Lady (5)

Race 7. Caraga Wonder (11), Biktori (13), Speedy Chase (5)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page