top of page

HERLENE, HUMINGI NG DASAL PARA SA MISS PLANET INTERNATIONAL 2022

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 5, 2022



Lumipad na pa-Uganda si Herlene Budol para sumali sa Miss Planet International 2022 at sa kanyang pag-alis, ipinakita ang mga dala at kung ilang maleta ang kanyang bitbit.


“Hindi biro ang pagsabak ng isang pageant. 'Yung preparasyon na dapat, kumpleto (ang) susuotin pang-araw-araw. Limang maleta at isang box na National Costume. Grabe, bigla kong naramdaman ang pressure. Otsentang delegates ang makakalaban ko sa patimpalak ng @missplanetinternational. Cheer n'yo ako, mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics at Ka-Budol ko d'yan. 'Yung pagmamahal, suporta at pagdarasal ay malaking bagay sa aking panibagong journey,” post ni Herlene.


Ipinost din niya ang mga damit, gamit, sapatos at lahat ng dala niya. Makikitang nakalagay sa plastic ang bawat item para isang dampot na lang niya. May katulong din siya sa pagpa-pack sa dami ng dala.


Bago umalis, dinalaw muna ni Herlene ang puntod ng lola niya para humingi ng guidance para sa bago niyang journey. Pati hindi supporters ni Herlene, natuwa sa gesture nito at kasama na sila sa mga magdarasal para siya manalo.


Dahil sa sasalihang beauty contest, tigil muna ang taping ni Herlene sa launching series niya sa GMA-7 na Magandang Dilag. Ang alam nga namin, magsisimula uli ang taping pagbalik niya dahil hindi raw nagustuhan ng mga bossing ng network ang ilang eksenang nakunan na, partikular ang prosthetics ni Herlene.


Kung bakit may prosthetics sa series si Herlene, malalaman natin kapag umere na ang Magandang Dilag kung saan leading men niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez.


Kasama rin sa series sina Sandy Andolong at Christopher de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page