top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Herlene, gustong ikasal sa simbahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 28, 2026



Herlene Budol - IG

Photo: Herlene Budol - IG



Spotted si Herlene Budol na kasama ang Thai-Irish actor na si Kevin Dasom sa grand launch ng bagong streaming app, ang Star SineMax.


Pero agad na nilinaw ni Herlene na partner lang niya si Kevin. As in, trabaho lang, walang personalan ang “dramarama” nila.


Pahayag ni Herlene, “Abangan n’yo kasi gagawan din kami ni Ms. Ery (President and COO ng Star Sinemax) ng magandang movie together. ‘Di pa puwedeng sabihin ‘yung title. Maganda po s’ya. Ah, clue. Ako si Jane.”


May pagka-‘Tarzan’ daw ang movie na gagawin nila under Star Sinemax.

Pero bago iyon, may movie na si Herlene para sa Star Sinemax, ang The Haunted Bride (THB).


Dream ba niya ang maging bride in real life?


“Of course! Sino ba ang babaeng ayaw ikasal, ‘di ba? Ako naman, nasa tamang panahon ‘yan. Nasa tamang tao at sa simbahan gusto ko. ‘Wag haunted. Hahaha! Baka ‘pag kayo ang nandu’n sa moment na ‘yun, kabahan kayo talaga,” sagot ni Herlene.


As for her love life, “Tumitibok pa naman. Happy naman ako at ang daming nagpapasaya ng puso ko ngayon.”


With regards sa pageantry, marami pa rin daw ang nag-aalok sa kanya na sumali pa.

“Why not, ‘di ba? Pero tingnan natin ang tamang panahon. S’yempre, ‘yung boss, amo, manager ko pa rin, si Mr. Wilbert Tolentino, ang bahala kung saan ako dalhin,” saad ni Herlene.


Pero umamin si Herlene na muntik na siyang matuloy ulit na sumali sa beauty contest.

“Actually, eto, sa inyo ko lang sasabihin,” sey niya sa entertainment media sa launching ng Star Sinemax.


Dagdag pa niya, “Dapat this year, may nag-invite sa akin. Sila Sir ALV (Arnold Vegafria), ‘yan. Pero nasa tamang panahon pa rin po talaga s’ya. Ayoko namang i-disclose na umayaw ako o ayaw nila sa akin.

“Pero parang nasa point na nasa tamang panahon po ang pagbabalik. If ever, ‘pag ‘di na inabutan ng tanda. Kasi patanda na rin po ako nang patanda.”


May nagsabi kay Herlene na wala nang age limit sa pagsali sa beauty contest ngayon.

“Eh, s’yempre, ‘yung katawan, ‘yung fez (face). Ano, walang kabulukan?


“May hangganan ang lahat. Saka ‘wag na kayong masyadong mag-expect. ‘Di naman ako masyadong nagtatrabaho sa utak ko. Kaya ready na ba kayo na i-bash ako ulit?” diin pa ni Herlene Budol.



MARAMI nang viewers ang makakapanood ng Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) at Everybody Sing (ES).


Mapapanood na rin kasi ang popular at well-loved game shows sa TV5 simula ngayong July 4 at 5, simultaneous with the airing on ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube (YT) and Facebook (FB), iWant, at TFC.


Ang Pambansang Host na si Luis Manzano continues to keep the audience on the edge of their seats in KDOND.


Kasama ni Luis ang bagong batch ng masusuwerteng bituin para sa pagkakataong manalo ng hanggang P1 milyon.


Si Vice Ganda naman, na tinaguriang Unkabogable Phenomenal Box Office

Superstar, ay nagpapanatili ng lakas sa Everybody Sing, kung saan ang mga miyembro ng Songbayanan ay nakikibahagi sa paghula ng tamang lyrics at mga pamagat ng kanta sa iba’t ibang hamon para sa pagkakataong manalo ng P1 milyon.


Habang patuloy na umuunlad ang mga gawi sa panonood, patuloy na nagtutulungan ang mga kumpanya ng media upang magdala ng mas maraming lokal na programa sa mas maraming madla. Mas maraming manonood ang masisiyahan sa panonood ng KDOND at ES tuwing weekend sa mas maraming platform.


Ang dalawang weekend na palabas ay mapapanood tuwing Sabado at Linggo, simula sa Kapamilya, Deal or No Deal sa ganap na 7:30 PM, na susundan ng Everybody Sing sa 8:30 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page