'Heritage ride' hudyat ng Tour of Luzon countdown
- BULGAR

- Apr 27
- 2 min read
ni Elyssa Nichole @Sports | April 27, 2026

Photo: Ang mga nanguna sa 'heritage ride' kasama ang mga ehekutibo bilang parangal kay cycling legend Paquito Rivas na isinagawa kahapon bago ang 14-stage Tour of Luzon. (mptctolpix)
Isang heritage ride at pagparangal kay cycling legend Paquito Rivas ang isinagawa kahapon bago ang 14-stage Tour of Luzon na nakalaan ang P12-million pa-premyo.
“We’re honored to have cycled alongside General Torre in the Heritage Ride, who himself is an advocate of cycling,” saad ni Tour Chief Organizer at CEO Arrey Perez matapos ang 60-km event na suportado ng Philippine Sports Commission at MPTC at sanctioned ng PhilCycling.
Pinangunahan ni General Nicolas Torre III ang mga kalahok sa racing executives bilang countdown sa MPTC Tour of Luzon 2026 na aarangkada sa Miyerkules sa Calatagan, Batangas.
Kasama siya sa MMDA Bike Lane Program team sa executive race at nasilayan din si Dinah Remolacio, president ng Tour of Luzon organizer Mad Management.
Ang polka dot jersey ay iniwardan sa King of the Mountain, papangalanan ito kay late legendary champion Paquito Rivas, na sinikwat ang titulo ng Eagle of the Mountain matapos manalo noong 1973, 1974 at 1979.
“His legacy will be immortalized through the King of the Mountain Polka Dot Jersey,” ani Perez. “This symbolic gesture celebrates his unmatched feats.”
Samantala, magsisimula ang Stage 1 ng Tour of Luzon sa CaSoBe, Calatagan at magtatapos sa Tagaytay City sa Miyerkules ang huling stage ay sa akyatin sa Kennon Road mula Lingayen hanggang Scout Hill sa loob ng John Hay sa Mayo 13.
Gaganapin ang Stage 2 sa April 30, team time trial race mula Clark Parade Grounds hanggang sa New Clark City, ang Stage 3 (May 1) ay mula New Clark City hanggang Palayan City habang ang Stage 4 (May 2) ay Palayan City - Bayombong race.
Aarangkada ang Stage 5 (May 3) mula Santiago City hanggang Tuguegarao City, Stage 6 (May 4) Tuguegarao City - Pagudpud at Stage 7 (May 5) Pagudpud-Pagudpud, na isang individual time trial (ITT) race.





Comments