top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Heneral Kalentong vs. Sky Shot sa Triple Crown

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2020
1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 4, 2020



Inaabangan ng bayang karerista ang nakatakdang paghaharap sa 3rd Leg Triple Crown championship na Heneral Kalentong at Sky Shot sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.


Ang Heneral Kalentong ay 2 time champion ng 1st at 2nd Leg Triple Crown at ang Sky Shot ay naghari sa 3 YO locally Bred at Hopeful Stakes Race. Ang nakatakdang laban ay inaabangan ng bayan karerista ay magaganap sa Nobyembre 9,2020.


Kapwa nagpakita ng husay ang dalawang mananakbo sa kani-kanilang laban. Mahalaga ang tagpong magaganap sa MMTCI sa Malvar, Batangas dahil patutunayan ng Heneral Kalentong ang pagiging hari sa Triple Crown ngayong taon.


Samantala, aabangan din ng Bayang Karerista ang Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup sa Nobyembre 15. Bukas sa imported at local breeder ang karera na nakataya ang malaking papremyo. Inaasahan na lalahukan ng mga de kalibreng kabayo mula sa imported at local na kabayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page