top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Heightened alert status na… 25K personnel, ide-deploy nationwide para sa Kapaskuhan – PCG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 5, 2022



Sasailalim na sa heightened alert status ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa inaasahang pagdagsa ng mga Pilipino na maglalakbay sa dagat sa panahon ng Kapaskuhan.


“Ngayong magpa-Pasko, very busy ang mga kababayan natin traveling using sea transportation system,” pahayag ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa mga reporters ngayong Lunes.



“Nandiyan ang Coast Guard. Bibigyan natin ng, ang ating mga kawani ng Coast Guard nationwide, we’ll put them in alert status heightened alert,” dagdag ng opisyal.


Ayon kay Abu, lahat ng 25,000 personnel ay kanilang ide-deploy sa buong bansa para magbantay sa karagatan sa holiday season.


Paalala naman ng PCG sa mga ship owners, na tiyaking lahat ng kanilang sasakyang-pandagat ay nasa maayos na kondisyon bago nila gawin ang kanilang mga trips o biyahe para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero at crew.


Pinayuhan din ng PCG, ang mga mangingisda at ship crew na sumunod sa ipinatutupad na sea travel regulations upang makapagbigay ng komportable, ligtas, at kumbinyenteng transport service sa mga riding public.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page