Heavy Weight masusubok sa 3-YO Maiden Race Turf
- BULGAR
- Nov 17, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 17, 2023
Masusubukan ang husay ni Heavy Weight pagsalang nito sa 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Gagabayan ni jockey Jol Siego si Heavy Weight kung saan ay makakalaban niya sina Time Traveller, Red Scorpion, Homecourt, Instant Notice, Kindra at Summerlin sa distansiyang 1,200 meter race.
May nakalaan na added prize na P20,000 para sa winning horse owner habang may P4,000 ang breeder's purse para sa winning local horse naman.
Ayon sa komento ng mga karerista, maaaring magbigay ng magandang laban ang kalahok na si Time Traveller at Kindra sa event na suportado ng Philippine Racing Commission,(PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Pakakawalan ang nasabing karera sa pangalawang race, iyon din ang simula ng winner take all, (WTA) kaya inaasahang malaki ang magiging gross sales bago lumabas ng aparato ang mga kabayo.
Samantala, walong karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.
Posibleng abangan din ng mga karerista ang labanan sa unang karera na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na lalahukan ng pitong tigasing kabayo.
Ang mga kaali ay sina Solomo Enni, Double Happiness, Melania, Sebrything, Carolina Bell, Come Back Stronger at Song Bird, may distansya itong 1,200 meter race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Carolina Bell (5), Melania (3), Come Back Stronger (6)
Race 2 - Time Traveller (1), Heavy Weight (4), Kindra (6)
Race 3 - Wessfacckol (6), Smarty Jas (7), Queensland (4)
Race 4 - Charm N Luck (1), Noir/Marangal (2/2A), Enno Teresa Chair (6)
Race 5 - Tifosi (11), You Never Know (10), Humble Strike (3)
Race 6 - Manang Biday (6), Chase The Gold (2), Regal (9), Double Time (4)
Race 7 - Smiling Lady (8), Frizmatic (7), Stark (4)
Race 8 - National Treasure (2), Tatler Story (14), Golden Buzzer (13), Diamond Story (9)








Comments