top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Heat vs. Celtics game, kinansela, 8 players, tinamaan ng COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2021
2 min read

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | January 12, 2021





Tuluyang nang kinansela ng NBA ang laro sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat dahil sa outbreak ng COVID-19 kaya naubusan ng manlalaro ang Heat kahapon.


"Because of ongoing contact tracing with the Heat, the team does not have the league-required eight available players to proceed with tonight's game against the Celtics," ayon sa statement ng NBA.


Matatandaang nailagay na rin sa listahan ng mga na-injured si Avery Bradley at hindi ito makalalaro dahil sa health at safety protocols. Ayon sa ulat, bumalik ang Heat player na may inconclusive COVID-19 test.


Matapos ang ginawang contact-tracing measures, marami ang inaasahang malalagay sa quarantine dahil sa exposure na naging sanhi sa pagkansela ng laro. Ito ang ikalawang NBA game na nakansela dahil sa COVID-19 safety protocols.


Sa mga laro, muling gumanap ng malaking papel si Pinoy Jordan Clarkson sa 96-86 tagumpay ng Utah Jazz sa Detroit Pistons kahapon sa NBA mula sa Little Caesar’s Arena. Ipinasok si Clarkson sa gitna ng first quarter at agad gumawa ng puntos upang ibigay sa Bucks ang pinakamalaking lamang, 32-12, at hindi na nakabawi ang Pistons.


Namuno sa panalo si Donovan Mitchell na may 28 puntos habang may 22 puntos si Mike Conley. Idinagdag ni Clarkson ang anim sa 18 puntos sa 4th quarter at umakyat ang kartada sa 6-4 panalo-talo.


Nanatiling perpekto ang defending champion Los Angeles Lakers sa limang laro sa tahanan ng kalaban at dinurog ang Houston Rockets, 120-102, matapos lumamang ng 27 sa 3rd quarter, 76-49. Bumalik sa aksyon si Anthony Davis at agad nagsaboy ng 27 puntos habang may 18 galing kay LeBron James at magkikita muli ang dalawang panig bukas sa parehong lugar.


Walang kabang ipinasok ni Damion Lee ang dalawang free throw na may 4.3 segundo sa orasan para hatakin ang Golden State Warriors lampas sa Toronto Raptors, 106-105. Kahit maalat ang shooting ni Stephen Curry, inangat ng kanyang bayaw na si Lee ang kanyang laro para sa 13 puntos bilang suporta kay Andrew Wiggins na may 17 puntos.

Apat na free throw din ni Paul George sa loob ng huling 15 segundo bilang bahagi ng kanyang 28 puntos ang nagsigurado sa 130-127 panalo ng Los Angeles Clippers sa Chicago Bulls. Nanguna si Kawhi Leonard na may 35 puntos habang gumawa ng 13 ng kanyang 21 puntos si Lou Williams sa 4th quarter para gisingin ang Clippers.


Nagising si D’Angelo Russell at ang Minnesota Timberwolves sa fourth quarter at sinakmal ang bisitang San Antonio Spurs, 96-88. Uminit para sa 10 ng 27 puntos sa nasabing quarter si Russell.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page