top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Heat, Topseed sa East; Bucks at Raptors, bumanat

BULGAR
Apr 9, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 9, 2022



Matapos ang siyam na taon ay magtatapos ng numero uno ang Miami Heat sa NBA Eastern Conference. Walang hirap na umakyat sa karangalan ang Heat matapos magwagi ang Milwaukee Bucks sa naghahabol na Boston Celtics, 127-121, kasabay ng 119-114 tagumpay ng Toronto Raptors sa isa pang naghahabol na Philadelphia 76ers.

Hindi pinapuntos ng Bucks ang Celtics sa last 2 minutes at bumuhos ng siyam na sunod-sunod upang tuldukan ang ika-50 panalo. Huling lumamang ang Boston matapos ang limang sunod na puntos ni Marcus Smart, 121-118, subalit tinabla ang laban ng 3 ni Bobby Portis at pinalamang ng free throw ni Giannis Antetokounmpo at hindi na sila nagpreno mula roon.

Parehong nagtapos na may tig-29 puntos sina Jrue Holiday at Giannis na humakot din ng 11 rebound. Sa gitna ng pagliban ni Jayson Tatum dahil masakit ang tuhod, gumawa rin ng 29 si Smart at bumaba ang Celtics sa 50-31 at hindi na mahahabol ang Heat.

Kahit matalo ang Heat sa huling dalawang laro sa Atlanta Hawks at Orlando Magic, hanggang tabla na lang ang maabot ng Bucks sa 52-30 kung wawalisin nila ang Detroit Pistons at Cleveland Cavaliers. Hawak ng Bucks ang tiebreak bunga ng mas maraming pinagsamang puntos sa apat nilang tapatan ng Heat ngayong taon, 471-443, kung saan parehong nanalo ng tig-2 beses ang mga koponan.

Huling nagtapos ng numero uno ang Heat sa East noong 2013, 66-16 na pinakamataas sa kanilang kasaysayan. Mula roon ay nasungkit nila ang kampeonato laban sa San Antonio Spurs, ang pangatlo ng Heat at pangalawang sunod para kay kabayan Coach Erik Spoelstra.

Nabuhay ang Raptors sa 4th quarter at umabot ng 10 ang lamang, 102-92, na may 6:49 sa orasan. Sumandal ang Toronto sa 3-point play ni Pascal Siakam upang mapigil ang huling hirit ng Philadelphia, 118-111, at 32 segundo ang nalalabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page