top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Heat nilusaw ang Celtics, Butler nanaig kay Tatum

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 19, 2023



Laro ngayong Biyernes – Ball Arena

8:30 AM LA Lakers sa Denver


Panahon na para seryosohin ang Miami Heat at si Jimmy Butler. Dumating ang koponan at niyanig ang paboritong Boston Celtics, 123-116, sa Game One ng NBA Playoffs Eastern Conference Finals kahapon sa TD Garden.


Unang umarangkada ang Celtics at itinayo ang 62-49 lamang sa bisa ng three-point play ni Jayson Tatum dalawang minuto bago magwakas ang first half. Gumanti ang Heat at biglang naagaw ang lamang at lumayo papasok sa 4th quarter, 103-91, sa likod ng 13 puntos ni Max Strus at 12 kay Butler.


Nakalapit muli ang Boston, 110-114, subalit sinagot ito ng magkasunod na tres nina Caleb Martin at Butler upang maging 120-110 at isang minuto ang nalalabi. Sapat na iyan sumandal ang Miami sa mga free throw nina Gabe Vincent at Butler para sa 1-0 lamang sa seryeng best-of-seven.

Nanguna si Butler sa kanyang 35 puntos at sumunod si Bam Adebayo na may 20. Tig-15 puntos sina Martin, Strus, Vincent at Kyle Lowry para kay kabayan Coach Erik Spoelstra.


Nagtala ng 30 puntos si Tatum habang 22 si Jaylen Brown. Kinailangan pa dumaan sa Play-In Tournament ang Heat at pumasok sa Playoffs bilang #8. Sisikapin nila sundan at higitan ang 1999 Knicks na umabot sa Finals bilang #8 subalit natalo sa San Antonio Spurs, 4-1.


Samantala, hahanapin ng Denver Nuggets ang 2-0 lamang kontra sa bisita Los Angeles Lakers sa Game Two ng West Finals ngayong araw sa Ball Arena. Nakuha ng Nuggets ang mahalagang 132-126 tagumpay sa Game One para sa unang hakbang patungo sa maaari unang pagpasok nila sa Finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page