top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Heat at Celtics, naggirian sa Game 6, may Do-or-Die pa

BULGAR
May 29, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 29, 2022



Magkakaroon ng Game Seven sa Eastern Conference Finals matapos maagaw ng bisitang Miami Heat ang 111-103 panalo sa Boston Celtics sa NBA Playoffs kahapon sa TD Garden. Naglaro na parang walang kinabukasan si Jimmy Butler na bumuhos ng 47 puntos at uuwi na ang Heat para sa napakahalagang laban ngayong Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.

Winasak ng three-point play ni Butler ang huling tabla ng laban, 102-99, at sinundan ito ng tatlong free throw ni PJ Tucker para sa 105-99 lamang ng Heat at 1:25 sa orasan. Naka-shoot si Jayson Tatum subalit sinagot ito agad ni Butler para makahinga ang Miami na may 40 segundong nalalabi.

Kinabahan ang Heat sa maagang pagkawala ni Kyle Lowry dahil sa anim na foul palapit sa last 2 minutes at bago simulan ni Butler ang kanyang pagiging bayani. Nagtapos si Lowry na may 18 puntos at 10 assist habang 13 puntos si Max Strus.

Nanguna sa Celtics si Jayson Tatum na may 30 puntos. Sinuportahan siya nina Derrick White na may 22 at Jaylen Brown na may 20 puntos. Huling pumasok ang Miami sa NBA Finals noong 2020 habang 2010 ang huling Finals ng Boston. Naghihintay na sa kanila ang Western Conference Champion Golden State Warriors na maagang tinapos ang serye sa Dallas Mavericks, 4-1.

Samantala, itinalaga ng Los Angeles Lakers ang dating PBA import na si Darvin Ham bilang kanilang bagong coach kapalit ng nasisanteng si Frank Vogel. Naglaro siya para sa Talk ‘N Text noong 2006 Fiesta Conference.

Isang assistant coach si Coach Ham sa Milwaukee Bucks buhat pa noong 2018 at bahagi ng koponan na naging NBA World Champion noong nakaraang taon. May karanasan din siya bilang assistant sa Lakers mula 2011 hanggang 2013 at Atlanta Hawks mula 2013 hanggang 2018.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page