top of page

Heart, ginagaya raw… P90 K, ROOM NI PIA SA HOTEL SA PARIS SA ISANG GABI LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 28, 2026



BIDA - KRIS, PINAPAYAGAN NG MGA DOK NA I-VIDEO ANG LABAN SA SAKIT, VIP DAW SA OSPITAL_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Nabuhay na naman ang bardagulan ng mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach-Jauncey dahil present din sa Paris Fashion Week (PFW) si Pia. 


Sabi ng mga fans ni Heart, humabol lang daw ang former Miss Universe dahil kung kailan patapos na ang PFW, saka siya dumating.


Sagot ng mga fans ni Pia, tama lang ang dating nito sa Paris para sa PFW Haute Couture. Si Heart at ang mom nito ay nauna para sa Men’s Paris Fashion Week, kaya nauna ring nakarampa.


Hindi pa rin naiwasan ang mga comments ng mga fans ni Heart na copycat lang si Pia at ginagaya ng team ni Pia ang small camera na gamit ng Team Heart Evangelista. Pati raw ang elevator shoot ni Heart ay ginaya, gayundin ang pananatili ni Pia sa Hotel Le Meurice Paris na isang 5-star hotel at balitang almost P90K ang room per night.


Ang sagot naman ng mga supporters ni Pia Wurtzbach, wala siyang mom na kasama sa Paris. Sabay tanong ng “Is your mom coming too? Char!”


Actually, ‘kaaliw basahin ang bardagulan ng opposing camps at pansin na marami silang bala at parehong hindi nauubusan ng ire-rebut kapag may isyung inilalabas ang kabilang panig.



‘Di umubra kay Jillian…

EMAN, KAY KYLIE MUNA



MAG-AARTISTA na pala si Eman Bacosa Pacquiao dahil balitang kasama siya sa cast ng bagong action series ng GMA na Task Force Firewall (TFF)


Ayon sa balita, magbibida sa nasabing serye sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix, sa direksiyon ni Rico Gutierrez.


Wala sigurong magrereklamong mga supporters ni Eman dahil action project ang ibibigay sa kanya. Hindi siya magpapa-cute o magpapabebe dahil hindi rom-com ang project at hindi rin siya magko-comedy, kakanta, o sasayaw.


May mga nag-react kasi nang pumirma si Eman sa Sparkle GMA Artist Management na baka puro rom-com ang ibigay sa kanya at baka pasayawin at pakantahin pa. 


Ayan, sa action series siya ilalagay at request ng mga supporters nito na para hindi siya mahirapan, role ng boksingero ang ibigay sa kanya.


Mag-e-enjoy din daw tiyak si Eman dahil makakasama si Kylie na mahusay sa stunts. Si Miguel naman ay napatunayang kaya maging action star sa huli nitong TV project na Ang Mga Batang Riles.


Nag-pre-prod na ang team ni Direk Rico at susunod na siguro ang announcement ng cast. May mga nanghinayang lang dahil hindi pa matutupad ang wish ni Eman Bacosa Pacquiao na makatrabaho si Jillian Ward dahil si David Licauco ang kasama nito sa Never Say Die ng GMA, isa ring action series.



Pambato ng ‘Pinas sa Asia’s Next Top Model… 

KEN NG SB19, INILANTAD NA ANG GF NA MODEL



IFINLEX na ni SB19 member Ken Felip Suson ang kanyang girlfriend at tanggap ng SB19 fans na may GF na siya. 


Ang katwiran nila, 28 years old na ito at sobrang busy sa career kaya hayaan na raw na magka-love life.


Ang tinukoy na GF ni Ken ay ang Filipina model na si Jennica Sanchez, contestant sa fifth cycle ng Asia’s Next Top Model na nag-represent sa Pilipinas. Beautiful at matangkad si ate gurl at bagay daw ang facecard nila ni Ken.


Spotted sina Ken at Jennica na nag-i-scooter sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig. Tinawag ang kanilang pangalan at in-acknowledge nila ang mga fans na tumawag sa kanila. 


Waiting ang mga netizens sa time na ipakilala in public ni Ken ang GF.



Ipinagmamalaki sa publiko na mahal niya… 

MANILA VICE-MAYOR CHI ATIENZA, IPINALIT NI CONG. KHONGHUN KAY AIKO 



JUICY ang tsika ni Arnold Clavio sa love life ng ex-couple na sina Quezon City Councilor Aiko Melendez at Cong. Jay Khonghun.


Nai-post ni Arnold sa Instagram (IG) na pareho nang naka-move on ang dating magkarelasyon.


Kung napabalitang nanunuyo si Onemig Bondoc sa aktres, tila hindi na itinatago ni Khonghun ang kanyang bagong sinisinta na si Manila Vice-Mayor Chi Atienza.


Wala namang problema dahil hiwalay na si Atienza sa kanyang asawa at malaya na siyang maging masaya.


May ilang okasyon na kasama ni Cong. Khonghun si Atienza at hayagan niya itong ipinapakilala bilang bagong karelasyon. 


Ipinagmamalaki pa niya si Vice-Mayor na kanyang mahal.

May kasamang larawan ng tatlo ang post ni Arnold Clavio na obvious na edited at pinagtabi-tabi lamang sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page