top of page

HEART, FASHION ICON PA NAMAN DAW, BUKING NA MAY MGA BUHOK SA KILIKILI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 5, 2024


Showbiz News
Photo: Heart Evangelista / IG

Labis naming ipinagtataka kung bakit ang daming iniisyu ng mga bashers kay Heart Evangelista, ganu’ng nananahimik naman ang aktres-fashion icon at hindi nai-involve sa mga issues at iskandalo.

 

Unang pinuna ng mga bashers ang pagbili ni Heart ng mga branded bags and shoes na millions of pesos ang halaga. Pati ang kanyang collection ng jewelries at luxury watches ay kinukuwestiyon din.


Marami raw sa ating mga kababayan ang hindi na halos kumakain dahil sa sobrang kahirapan. Napaka-insensitive naman daw kung idi-display pa sa social media ang mamahaling gamit ni Heart.


Depensa naman ng mga fans ni Heart ay sariling pera ng actress ang ipinambibili nito ng mga branded niyang gamit at pinaghirapan niya itong kitain.


At siyempre, bahagi ng kanyang pagiging fashion icon sa pagdalo niya sa mga fashion events sa Paris, New York at France ang pagsusuot ng mga branded na bags, damit at sapatos. Kumikita siya rito dahil siya ang endorser ng malalaking fashion brands at beauty products.


Isa pang ginagawang isyu kay Heart ay kung bakit hindi pa siya mabuntis at magkaroon ng anak gayung mahigit 10 years na silang kasal ni Sen. Chiz Escudero.


Paliwanag ni Heart, ilang beses na siyang nagkaroon ng miscarriage, hindi natuloy mabuo ang kanilang baby dahil mahina ang kapit. Dahil du’n, umabot na rin si Heart sa depression dahil gustung-gusto na niyang magkaroon ng anak. 


At ngayon, pati ba naman ang pagkakaroon ng buhok sa kilikili ni Heart Evangelista ay pinakikialaman pa rin? Naturingan daw na fashion icon ito pero ‘pag nagtaas ng braso ay kitang-kita ang mga buhok sa kilikili.


Ang daming perfectionist, ha?!



Anak nina Aga at Charlene, nililigawan daw ng Pasig mayor… ATASHA, SHOCKED NANG KUMALAT ANG TUNGKOL SA KANILA NI VICO 



Showbiz News
Photo: Atasha Muhlach & VIco Sotto / IG

Labis na ikinagulat ni Atasha Muhlach kung saan nanggaling ang balitang nanliligaw sa kanya ngayon ang Pasig mayor na si Vico Sotto, anak ni Bossing Vic Sotto. Ni hindi pa nga raw sila nagkikita nang personal at hindi rin magkakilala. 


Nauna pang kumalat ang balita at ang dami nang espekulasyon. Marami na ang kinikilig sa tambalang VicTash (Vico at Atasha). 


Nakikita nila na may chemistry ang dalawa 'pag nagsama. Pareho rin silang matalino at malapit sa masa. 


Ngayon pa lang ay idinarasal na ng mga fans ni Mayor Vico na sana ay si Atasha Muhlach na ang kanyang "the one!" Bagay naman sila sa isa’t isa. 


For sure, boto naman kay Mayor Vico Sotto ang parents ng dalaga na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez dahil kilala nila ang pamilya ng batang mayor ng Pasig.



Para maging dyowa, Paulo… KIM, IHAHANAP NI RYAN NG KOREANO


Showbiz News
Photo: Kim Chui & Ryan Bang / IG

Kung gugustuhin lang ni Kim Chiu na magka-boyfriend ng isang Koreano ay madali siyang makakatagpo. Ayon kay Ryan Bang, lahat ng kakilala nilang Korean guys dito sa 'Pinas ay crush si Kim Chiu.


Gustung-gusto raw ng mga Koreano ang beauty ni Kim at excited silang makilala nang personal ang Chinita Princess. 


For sure, ba-back-up-an ni Ryan Bang sinuman sa kanyang mga Korean friends ang bagay kay Kim. Magba-background check muna si Ryan Bang sa sinumang poporma sa kanyang kaibigan.


Malapit na magkaibigan sina Kim at Ryan dahil matagal silang nagkasama sa It’s Showtime. Kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa. Gusto ni Ryan na makitang masaya si Kim at makatagpo na ng tunay na pag-ibig, kaya tinutulungan niya na makilala nito ang mga kaibigang Korean guys.


Kailangan lang na hindi ma-intimidate ang mga ito kay Paulo Avelino na masugid sa panliligaw kay Kim Chiu. Single pa rin ang status nito ngayon, kaya may pag-asa pa ang ibang manliligaw.



Bagay na bagay kay Epy Quizon ang kanyang role sa historical seryeng Pulang Araw. Ang galing-galing niya sa kanyang character bilang si Julio, ang may-ari ng Cine Borromeo kung saan nagpapalabas ng bodabil kasama ang mga anak.


Tulad ng yumao niyang ama na si Dolphy na nagsimula rin noon sa teatro bilang tap dancer, ang husay sumayaw ni Epy. Marami ang naaliw sa kanyang mga eksena.


Marami ang nagsasabi na si Epy ang tagapagmana ng Comedy King na si Dolphy at tulad ng kanyang ama, versatile actor itong si Epy, puwede sa comedy, puwede rin sa drama.


Hindi siya nawawala sa uso at hindi nata-typecast sa isang role lamang. 


Game rin si Epy na tumanggap ng gay role sa pelikula, kaya hindi siya nawawalan ng projects. 


Kuwento ni Epy Quizon, dapat ay magpapahinga muna siya sa paggawa ng serye kahit 3 months lang pero dumating ang offer ng GMA-7, ang Pulang Araw na napakaganda ng istorya, kaya hindi niya nagawang tanggihan.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page