top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Heart Beat Race sa Alabang, may 4 na distansiyang ruta

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 22, 2023



Magbabalik ang MNL City Run: Heart Beat Run 2023 ngayong Marso 12 sa Filinvest sa Muntinlupa City simula 3 p.m. ng madaling araw. Ang serye ng karera ay patuloy na katibayan ng tagumpay ng mga Filipino kasabay ng pagtulong sa kapwa.

Magkakaroon ng mga karera sa 21, 14, 10, lima at 3 kilometro. Gagawaran ang unang tatlong pinakamabilis sa lahat ng kategorya.

Lahat na magtatapos ay bibigyan ng medalya, regalo mula sa sponsor at makakalahok sa raffle pagkatapos ng karera. Ang mga tatakbo ng 21, 14 at 10 kilometro ay makatatanggap ng karagdagang t-shirt.

Bahagi ng malilikom na pondo ay mapupunta sa Li’l Brave Hearts, isang samahan na nagtataguyod ng mga kabataan na may Down’s Syndrome at iba pang karamdaman.


Ang nakaraang edisyon ng MNL City Run ay ginanap noong nakaraang Nobyembre at wala pang limang buwan ay balik-kalsada na ito.

Maaaring pumunta sa sangay ng Decathlon sa Filinvest Mall upang magpalista araw-araw mula 11:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi hanggang Marso 10. Para sa online, dumalaw sa Facebook ng MNL City Run para sa karagdagang impormasyon hanggang Marso 5.

Ayon sa organizer na Rule and Rich Events Management Services, dala ng matagumpay na mga nakaraang edisyon ay determinado sila na palawigin ang karera at magdaos agad ng kasunod ngayong taon. Kasama sa plano ang gawin itong isang trilohiya gaya ng ibang sikat na karera noong nakalipas na dekada kung saan talagang umusbong ang takbuhan sa Pilipinas.

Tityakin na may alay silang kakaiba at hindi paulit-ulit ang konsepto o ruta ng fun run. Sa ngayon, mananatiling buhay na buhay ang eksena ng takbuhan lalo na sa katimugang bahagi ng Kalakhang Maynila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page