HD Spikers, naka-first win na, diniskarga ang Chargers
- BULGAR
- Feb 15, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | February 15, 2023

Mga laro sa Huwebes: (Philsports Arena)
4:00 n.h. – F2 Logistics Cargo Movers vs. Chery Tiggo Crossovers
6:30 n.g. – Army Black Mamba vs. PLDT High Speed Hitters
Inilista ng Cignal HD Spikers ang kanilang unang panalo mula sa malinaw na atake at matibay na floor defense upang diskargahin ang Akari Power Chargers sa Araw ng mga Puso sa straight set sa 25-23, 25-20, 25-14 sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kumarga ng 21 excellent sets ang 24-anyos na playmaker na si Maria Angelica “Gel” Cayuna kasama ang apat na puntos at walong excellent digs upang pagbidahan ang unang panalo ng 2022 Reinforced Conference runner-up, habang nakubra ni team captain Rachel Anne Daquis ang nag-iisang double-digit scorer sa 11 puntos mula sa walong atake at tatlong blocks, kaantabay ang pitong excellent receptions.
Naging halos patas naman ang takbo ng opensa para sa HD Spikers ng nag-ambag rin sina Roselyn Doria ng 9 puntos, Frances Molina sa walo, tig-pitong puntos nina Claudine Troncoso at Ria Meneses at anim na puntos ni Toni Rose Basas.
“Sa training naman talagang naging masinop kami sa mga ganung crucials, kaya nagagawa namin hanggang dulo. Tina-trabaho naming yung kulang sa last two games namin,” pahayag ni Cayuna matapos ang laro matapos hiranging Best Player of the Game. “Personally, pinapanood ko yung mga highlights na kaya kong gawin, binalikan lang namin kung saan kami humuhugot ng lakas, kaya binalikan lang namin talaga,” dagdag ng dating Far Eastern University playmaker.
Matapos mangapa sa unang set ng HD Spikers kasunod ng dikitang laro na kinakitaan ng maraming errors ng bawat koponan, naging mas pursigido sa ikalawang set ang Cignal.








Comments