HD Spikers, naka-apat nang panalo sa PNVF
- BULGAR
- Feb 8, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | February 8, 2024

Sinungkit ng undefeated Cignal HD Spikers ang pang-apat na sunod na panalo at tinalo ang College of Saint Benilde sa strength-sapping five sets, 3-2 (18-25, 25-21, 215-17, 17-25, 15-13) sa PNVF Champions League 2024 sa Rizal Memorial Coliseum.
Dumaan ang Cignal sa matinding pagsubok bago talunin ang back-to-back NCAA champion Lady Blazers at panatilihin ang malinis na record at palakasin ang title campaign sa third edition na sinuportahan ng Philippine Sports Commission and Philippine Olympic Committee.
“Dumaan kami sa hirap bago nanalo. Saint Benilde gave us hard times and pushed us against the wall. Mabuti hindi bumigay ang mga players ko lumaban nang husto hanggang sa huli,” sabi ni coach Ceasael de los Santos.
Ang talo ay pangalawa ng Saint Benilde sa tatlong laro matapos manalo sa unang laro sa Philippine Army Lady Troopers. Sa kabila ng natalo pasok pa rin ang Lady Blazers sa top four teams na maglalaban sa championship.
Malamig ang laro ng Cignal sa simula natalo sa first set. Subalit madaling naka-recover at nakuha ang dating porma sa pamamagitan ng mainit na atake nina Vanesa Gandler, Frances Xinia Molina at Jacqueline Acuna na kinuha ang second set, 25-21.
Nakuha ang rhythm at composure, rumatsada ang Cignal ng apat na sunod na points sa spikesna dalawa kay Gandler coupled by errors ng Saint Benilde na umabante sa 15-10 at winasak ang 8-all na iskor tungo sa 25-17 panalo sa third set.
Nagmatigas at ayaw bumigay ang Saint Benilde na bumawi sa fourth canto na pinagsanib puwersa nina Comine Allyson Apostol, Clydel Catarig at Rhea Mae Densing sa Magandang set up ni libero Kim Allison Estenzo at kunin ang 25-18 at ipilit ang deciding fifth set.





Comments