Hayskul, nagdala ng baril sa iskul, buking
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
by Benjamin Chavez @News | August 22, 2026

Photo: Cebu Police Provincial Office / Circulated
Isang 14-anyos na estudyante ang nahulihan ng baril matapos magpatupad ng surprise inspection sa Lut-Od National High School sa Pinamungajan, Cebu nitong Huwebes, Agosto 20.
Sa report ng Cebu Police Provincial Office, ang .357 Smith & Wesson ay nakita sa loob ng bag ng 14-anyos na estudyanteng lalaki.
Nabatid na kinuha ng binatilyo ang baril mula sa cabinet sa kanilang bahay kung saan nakatira ang kanyang lolo at lola.
Pero hindi tinukoy kung ang baril ay pag-aari ng kanyang lolo.
Ang estudyante ay itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office at ipinatawag na rin ang mga magulang nito.





Comments