top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Hayskul, buking sa droga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12
  • 1 min read

ni Maeng Santos @News | July 12, 2026



Oplan Sita Valenzuela - File Cirulate

Photo: File / Oplan Sita sa Valenzuela / Cirulated



Timbog ang 17-anyos na senior high school student nang mabisto ang dalang marijuana makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa ‘Oplan Sita’ habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.


Sa ulat ni Police Sub-Station 3 Commander P/Capt. Joan Dorado kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-11:40 ng tanghali, nagsasagawa sila ng ‘Oplan Sita’ sa Sampaguita Street corner Dama De Noche, Brgy. Marulas nang parahin ng kanyang mga tauhan ang binatilyo na sakay ng motosiklo para sa beripikasyon.


Gayunman, sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng rider ang kanyang motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sumemplang umano ito.


Nang makorner nina PCpl. Darren Mari Pinili at Pat Edgar Clark De Ocampo Cinco, nakita nilang inihagis umano ng binatilyo ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na kanilang kinumpiska.


Matapos nito, inisyuhan ang driver ng Traffic Violation Receipt (TVR) bago tinurnover siya sa pangangalaga ng CSWD habang in-impound naman ang kanyang motorsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page