top of page

Hayaan daw silang maging masaya… STELL: PAGBABAWAL SA SB19 SA MARAMING BAGAY, TIGILAN NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 25, 2026



Stell Ajero at SB19 - Instagram

Photo:SB19 - Instagram



Nagsalita na ang SB19 tungkol sa isyu ng ‘love ban’ among P-pop idols.

Sa guesting ng grupo sa Ang Walang Kwentang Podcast (AWKP) nina Antoinette Jadaone at JP Habac, natanong sila kung may ‘love ban’ ba sila o pinagbawalang makipagrelasyon.


Para sa leader na si Pablo, hindi lahat ay kailangang i-share sa publiko lalo na ang tungkol sa relasyon.


“‘Di ba, parang ‘pag showbiz ka o nasa industry ka, parang kailangan mong i-share sa lahat ng tao ‘yung relasyon mo? ‘Di naman ganu’n,” ani Pablo.


Naniniwala naman si Stell na dapat nang matigil ang sistema na pinagbabawalan ang mga idol sa maraming bagay.


“Saka I think it’s time para mabuwag ‘yung ganu’ng idea na ‘pag artist ka o idol ka, bawal lahat. I think 2026 na. Hayaan na natin ‘yung mga idols o nilu-look up natin na maging masaya sila sa life nila,” sey ni Stell.


Ayon naman kay Ken, naiintindihan n’ya ang feelings ng mga fans, pero mahalaga pa rin na irespeto ang nararamdaman ng bawat isa.


“Sa akin naman, I think valid din ‘yung feelings nila. Parang may utang na loob din ako sa mga fans namin dahil mahal na mahal namin sila. Wala rin kami rito ngayon without them.


“And I understand kung ano ‘yung nararamdaman nila. Intindihan na lang ang nararamdaman ng bawat isa,” pahayag ni Ken.

‘Yun na!





4 months na raw silang magdyowa ni Robb…

“MASAYA, NASA HONEYMOON STAGE PA RIN” — YASSER





KINUMPIRMA nina Robb Guinto at Yasser Marta ang kanilang relasyon nang makatsikahan ng entertainment press last Monday sa gala premiere ng pinagbibidahang pelikulang Desperada, an official entry to the 8th Sinag Maynila Independence Film Festival (SMIFF).


Ayon kay Yasser, si Robb daw ang umalalay sa kanya sa mga love scenes nila at doon siya na-fall sa leading lady.


“First time kong gumawa ng love scenes at inalalayan ako ni Robb. Du’n ako nahulog,” anang aktor sabay-tawa.


Going four months na raw ang kanilang relasyon at happy naman sila.

“Masaya, nasa honeymoon stage pa rin,” sambit ni Yasser.


Natanong si Robb kung ano ang nagustuhan niya kay Yasser at sey ng aktres, “Siguro, ‘yung pagmamahal n’ya sa pamilya n’ya lalo na sa mom n’ya. Kasi sabi nga nila, ‘pag mahal mo ang nanay mo, mas mamahalin mo ang magiging partner mo.”


Ayon naman kay Yasser, ganoon din daw ang nagustuhan niya kay Robb dahil family-oriented din ito.


“Mahal n’ya talaga ‘yung ‘di lang nanay at tatay, buong pamilya n’ya, mga pinsan n’ya, kamag-anak, lahat. Kaya ako, sobra ‘kong nabibilib talaga sa kanya kung gaano s’ya ka-strong at very independent.


“Pati nga ako, inaalagaan pa n’ya ako, dumagdag pa ako sa iniisip n’ya. Kaya I’m so happy and so lucky,” saad ng aktor.


Anyway, puring-puri ng mga nanood ng gala ang performance na ipinakita ni Robb sa Desperada at mukhang malaki ang tsansa na masungkit niya ang Best Actress trophy sa awards night.


Hindi rin nagpahuli si Yasser dahil kinakitaan din siya ng lalim sa pag-arte bilang isang drug addict na boyfriend ng karakter ni Robb.


Nagsimula na ang run ng Desperada last Monday at mapapanood ito hanggang March 29 sa iba’t ibang selected theaters. Mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at produced by Lito de Guzman para sa LDG Productions, kasama rin sa pelikula sina Mercedes Cabral, Sue M. Prado, Mhack Morales, kasama si Julianne Richards, at introducing si Jorge Guda.





MAPAPANOOD na sa India ang ilan sa mga patok na teleserye ng ABS-CBN.

Pitong serye kabilang ang It’s Okay to Not Be Okay (IOTNBO), Love in 40 Days (LI40D), Can’t Buy Me Love (CMBL), Senior High (SH), 2 Good 2 Be True (2G2BT), at ang He’s Into Her (HIH) Seasons 1 and 2 ang mag-i-stream sa Amazon MX Player sa 2026.


Ito ang unang pagkakataon na may Filipino dramas sa nasabing platform sa India.

Ida-dub ang mga serye sa Hindi at posibleng sa iba pang Indian languages para mas maintindihan ng mas maraming manonood doon.


Hiwalay pa rito, ipapalabas din ang parehong mga serye sa Vietnam, Myanmar, at Pacific Islands.


Bukod sa India, napapanood na rin ang mga nasabing serye sa ilang bahagi ng Asia na lalo pang nagpapalakas sa lumalawak na reach ng ABS-CBN sa Southeast Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page