ni VA @Sports | January 16, 2023
Matapos makumpleto ang mga hiningi sa kanyang mga dokumentasyon hinggil sa anti-doping test kung saan siya nagpositibo noong 2023, hinihintay na lamang ni GIlas naturalized player Justin Brownlee ang magiging hatol sa kanya ng FIBA.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, naisumite na ni Brownlee lahat ng mga hiningi sa kanyang dokumentasyon hinggil sa nangyaring pagiging positibo nya sa carboxy-THC pagkaraang magwagi ng Gilas ng men's basketball gold sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China. "It finally reached FIBA, sometime early or mid-December.
I think there were just some documentation and replies. Justin had to do that he submitted already because the deadline was last Monday, January 8, and we're just waiting for FIBA's final decision," wika ni Panlilio nang maging panauhing sa programa ni dating PBA commissioner Noli Eala na Power and Play sports program noong Sabado.Ayon pa kay Panlilio, tama lamang ang desisyon ni Brownlee na huwag maglaro para sa Barangay Ginebra sa idinaraos na PBA Season 48 Commissioner's Cup. "I think he (Brownlee) started to serve time, from the time the testing was done, sometime October 7 or 8, that's been counted already as time served," ayon pa kay Panlilio."We did guide Justin, 'don't play, stop playing for now.' And whatever decision that comes out, your time served started October 7."Noong Oktubre 7 ng nakaraang taon, nagpositibo ang urine sample ni Brownlee sa Carboxy-THC, isang gamot na may kaugnayan sa cannabis na Isa namang prohibited substance ayon sa WADA (World Anti-Doping Agency).
Umaasa ang SBP na hindi gaanong magiging mabigat ang ipapataw na parusa kay Brownlee na nagsilbing bayani sa pagkapanalo ng Gilas ng gold medal makalipas ang 61 taon. Nakatakdang sumabak ang GIlas sa 2025 FIBA Asia Cup qualifier kung saan kabilang sila sa Group B kasama ng New Zealand, Chinese-Taipei at Hong Kong.
コメント