top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Hati raw sila ng fiance sa gastos sa kasal… WEDDING GOWN NI KIRAY, HANDA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 31, 2025



  • Kiray Celis - IG

Photo: Kiray Celis - IG


Ang malakas na chemistry nina Rhian Ramos and JC Santos ang una naming napansin habang nanonood kami ng pinagbibidahan nilang pelikula na Meg & Ryan sa ginanap na red-carpet premiere night last Tuesday night sa SM Megamall.


Ang lakas ng kilig factor nila at sa aming opinyon, sa dinami-dami ng itinambal na aktor kay Rhian, si JC ang tingin naming pinakabagay sa kanya. 


Minsan pa ay pinatunayan sa nasabing pelikula that opposites really attract each other. 

Ginagampanan ni Rhian ang role ni Meg Zamonte na isang rich, happy-go-lucky at rebeldeng dalaga but deep inside is a wounded heart, habang si JC naman ay si Ryan Cañete, a serious, straight, old soul guy na virgin pa at the age of 35.


Nagtagpo ang landas nina Meg and Ryan in a most unexpected way at dito na nagsimula ang kanilang love story.


Naipakita ng direktor na si Catherine “CC” O. Camarillo ang kilig na hinahanap ng mga manonood sa isang romantic-comedy film.


Pthat Rhian and JC are both great actors, hindi na dapat pagtakhan pa ang husay nila in portraying their roles. 


Nakadagdag din ang mahusay na pagganap ng mga supporting cast na sina Ces Quesada, Chris Villanueva and Cedrick Juan.


Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina JC and Rhian at sa lakas ng chemistry na ipinakita nila sa kanilang team-up, hindi na kami magtataka kung masundan pa ito ng another project.


Mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa, produced by Pocket Media Productions, Inc. and Pocket Media Films, showing na ang Meg & Ryan sa mga sinehan nationwide this Aug. 6.



NALALAPIT na pala ang kasal ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz fiancé na si Stephan Estopia kaya puspusan na ang kanilang paghahanda.


Sey nga niya, hindi niya akalain na mahirap pala ang wedding preparations.


“Hindi ako na-inform, akala ko madaling ikasal. Akala ko, madaling magplano. Ang hirap, grabe!” sey ng aktres na ngayon ay entrepreneur na sa panayam ng ABS-CBN.


Sobrang hands-on nga raw si Kiray sa wedding preps at ultimo kaliit-liitang detalye ay siya talaga ang nag-aasikaso.

“Ang dati ang mga fans na nanonood ay panay ang tilian sa kilig moments nina JC at Rhian.


Given aming kailangang asikasuhin, sobrang little details lang, pero kailangang tutukan mo. ‘Yung invitation, sapatos ng mga pupunta, siyempre, gusto mo perfect. And siyempre, ‘yung singer. Ang daming kailangang asikasuhin, ewan ko ba! Food tasting, wine tasting, ang daming ganu’n,” aniya.


Ini-reveal din ni Kiray na share sila ng dyowa niya sa wedding expenses at inaming shocked siya sa mga gastusin.


“Nagulat ako. Kasi noong una, parang kalmado lang ako na mag-aayos ng kasal. Hindi ko alam na ang dami palang kailangang bayaran. Lalo na kaming dalawa ng jowa ko, siyempre, very equal kami. Pero as much as possible nga, parang siya, ‘Sige, ako na ‘to.’”


Ipinauubaya na rin daw sa kanya ng fiancé ang pagdedesisyon pagdating sa wedding details at sinusunod naman daw nito ang lahat ng gusto niya.


“Ako lang talaga ‘yung si aligaga because ayoko na ‘pag may napili siya, ‘andu’n na tayo sa babayaran na niya, pero hindi ko bet. So parang ako pa rin ‘yung nag-aasikaso kasi gusto ko, may touch ng ako, hindi niya. Gusto ko, gusto ko, hindi gusto niya. Kasi alam ko naman, lagi niyang sinasabi, ‘Kung gusto mo, gusto ko na rin,’” sey ng dating child star.


Naka-ready na rin ang wedding gown niya at kumpleto na ang list ng entourage kaya mukhang very, very soon na talaga ang kasal na hindi pa niya inire-reveal ang exact date.


Matatandaang last April nang inanunsiyo ni Kiray ang engagement nila ni Stephan. Naganap ang proposal ng BF sa isang beach resort.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page