top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Harris, Herro, Bridges at Mills, nangibabaw sa laro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 11, 2021





Ginamit ng Denver Nuggets ang pagkakataon na kulang ang Philadelphia 76ers upang magwagi sa NBA game, 115-103, kahapon sa Well Fargo Center. Sinalubong ng 76ers ang mga bisita na eksaktong walo ang manlalaro dahil may COVID-19 si Seth Curry noong isang araw at naramdaman din ito sa ibang nakatakdang laro.


Gumawa ng tig-10 puntos sina Gary Harris at Nikola Jokic sa second quarter upang lumamang at hindi na bumitaw ang Nuggets, 58-51. Nanguna si Harris na may 21 puntos habang nabitin si Jokic sa isa pang triple double na 15 puntos. . Namayani sina Tyler Herro at Jimmy Butler sa 128-124 panalo ng Miami Heat sa Washington Wizards na hindi pinalaro ang numero unong scorer ng NBA Bradley Beal bilang bahagi ng protocol at Russell Westbrook na masakit ang hita. Namuno si Herro na may 31 puntos habang may 26 puntos si Butler.


Nakibahagi ang Phoenix Suns sa liderato ng Western Conference kasama ang defending champion Los Angeles Lakers matapos talunin ang Indiana Pacers, 125-117. Umapoy para sa 34 puntos galing sa anim na tres si Mikal Bridges at nag-ambag ng 25 si Devin Booker para sa kartadang 7-3 panalo-talo.


Binuhay ni Patty Mills ang San Antonio Spurs sa pamamagitan ng kanyang limang puntos sa overtime upang lusutan ang Minnesota Timberwolves, 125-122. Nanguna para sa Spurs si DeMar DeRozan na nagpasabog ng 38 puntos at sinundan nina Dejounte Murray na may 22 puntos at 14 rebound at Mills na may 21 puntos.


Nagtala ng triple double ang rookie na si LaMelo Ball para maging susi sa 113-105 tagumpay ng Charlotte Hornets sa Atlanta Hawks. Nagtapos si Ball na may 22 puntos habang may 23 puntos si Terry Rozier at 22 galing kay PJ Washington.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page