top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Harden, nakatulong sa 76ers, Johnson, naasahan ng Suns

BULGAR
Mar 6, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 6, 2022




Ibinaon ni Cameron Johnson ang three-points na may isang segundong nalalabi upang ilusot ng numero unong Phoenix Suns ang 115-114 panalo sa palaban na New York Knicks sa tampok na laro sa NBA kahapon sa Footprint Center. Tinunaw ng Suns ang 95-81 lamang ng Knicks sa simula ng 4th quarter para sa kartadang 51-12 habang pitong sunod na ang talo ng Knicks.

Nagtala ang reserbang si Johnson ng 38 puntos mula sa siyam na tres na pinakamarami sa tatlong taon sa liga at pagtakpan ang patuloy na pagliban nina Devin Booker at Chris Paul. Sumunod si Mikal Bridges na may 20 puntos.

Sukat na sukat na ang laro ni James Harden sa bagong koponan Philadelphia 76ers at malaki ang tulong sa 125-119 panalo sa bisitang Cleveland Cavaliers. Ginising nina Harden at Tyrese Maxey ang 76ers sa second half para sa kanilang ika-39 tagumpay at solong hawak ng pangalawang puwesto sa mahigpit na Eastern Conference.

Lumamang ng 21 ang Cavs sa first quarter, 39-18, subalit hindi natinag ang Philadelphia at matiyagang humabol. Bumanat ng 33 puntos si Maxey sa second half at sinundan ni Harden na may 25 puntos at 11 assist para pahabain sa lima ang magkasunod na panalo.

Sumandal ang Milwaukee Bucks sa malakas na 4th quarter upang mabigo ang Chicago Bulls, 118-112. Bumida muli para sa 26 puntos si Jrue Holiday at double-double si Giannis Antetokounmpo na 34 puntos at 16 rebound ngunit hawak ng Bucks ang ikatlong pwesto sa bisa ng dalawang panalo nila sa Bulls ngayong taon.

Kinuha ni DeMarcus Cousins ang pagkakataon na magtala ng 31 puntos para 116-101 panalo sa kulelat na Houston Rockets. Sinuportahan siya ng mga hindi magkamag-anak na sina Jeff Green at JaMychal Green na parehong gumawa ng tig-14 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page