top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Harden 76ers matindi sa Game 1, Nuggets, dumalawa sa Semis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 3, 2023



Mga laro ngayong Miyerkules

7:30 a.m. Miami sa New York

10:00 a.m. LA Lakers sa Golden State


Pinaalala ni James Harden na isa siyang dating MVP at ipinanalo ang bisita Philadelphia 76ers laban sa paboritong Boston Celtics, 119-115, sa simula ng kanilang seryeng best-of-seven sa 2023 NBA Playoffs Eastern Conference Semifinals kahapon sa TD Garden, Nilampasan ng 76ers ang pagliban ni Joel Embiid, isang kandidato para 2023 MVP at sumandal sa 2018 MVP para makamit ang mahalagang Game One.


Bumira ng three-points si Harden upang maagaw ng Philadelphia ang 117-115 lamang na may 8.4 segundong nalalabi. May pagkakataon pa ang Celtics subalit nabitawan ni Jayson Tatum ang pasa ni Marcus Smart kaya napilitan niya bigyan ng foul si Paul Reed na itinakda ang huling talaan sa kanyang dalawang free throw.


Nagsabog ng 15 puntos sa fourth quarter at pinantayan ni Harden ang 45 na ginawa niya noong Mayo 25, 2015 bilang kasapi ng Houston Rockets laban sa Golden State Warriors sa Game 4 ng Western Conference Finals. Wala pang linaw kung hihilom ang tuhod ni Embiid para sa Game 2 ngayong Huwebes sa parehong palaruan.


Sa Western Conference, hindi nagpahuli ang kasalukuyang MVP Nikola Jokic at binuhay niya ang Denver Nuggets sa 4th quarter at manaig sa bisitang Phoenix Suns, 97-87, at 2-0 lamang sa kanilang serye. Sina Jokic, Embiid at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang mga pinagpipilian para sa taunang parangal na igagawad ngayong Miyerkules.


Tabla ang laro sa 73-73 at bumalik si Jokic na may 9:25 sa orasan at bumomba ng walong puntos na tinuldukan ng buslo na nagtayo ng komportableng 93-83 agwat at 1:34 ang nalalabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page