top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Haping-hapi na magkasama na sila sa iisang kama…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2021
  • 2 min read

IBINULGAR NI ALEX: MIKEE, GUSTONG LAGING NAKADAGAN SA AKIN SA PAGTULOG

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 18, 2021




Kumpirmadong kasal na sina Alex Gonzaga at Lipa City Councilor Mikee Morada. Inanunsiyo ng mag-asawa ang magandang balita sa YouTube vlog ng aktres na in-upload kahapon.


May titulong We’re Married, sabay na ipinakita nina Alex and Mikee ang kanilang wedding ring.


“Ikinasal na po kami. Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife. Mrs. Morada na ako,” sabi ni Alex.


Ginanap ang kasalan sa bahay nina Alex sa Taytay noong November, 2020 at simple lang daw ang kanilang wedding na dinaluhan lang ng kanilang immediate family. Makikita rin sa vlog ang kanilang mga wedding photos.


“I’m very, very sorry, netizens, if hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari. It’s because we wanted to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na ‘yung timing din saka alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate,” sabi ni Alex.


Dagdag pa niya, “Masaya kami, alam ko na OA, pero masaya. Happily married kami, guys. Grabe ang saya! Finally, nakakatabi ko na siyang matulog, nakakatulog na siya sa kuwarto ko.”


Sa ngayon ay medyo kakaiba raw ang set-up nila dahil hindi pa talaga sila araw-araw magkasama sa isang bahay.


“Weekends lang kami magkasama kasi may work din siya sa Lipa,” she said.


Nagbiro rin si Alex na lagi raw nakadagan sa kanya si Mikee sa pagtulog.


“Grabe ‘to matulog, laging nakadagan sa akin. Gusto niya, laging double deck kami,” aniya.


At the end of the video ay mapapanood ang ilang kaganapan sa kasal nina Alex at Mikee kabilang na ang kanilang wedding vows. At one point ay makikita ring naging emosyonal silang pareho.


“When I met you, I was used to people always seeing the bad side in me. But when you came into my life, every day, you keep on making me feel that I am a prized possession. You made me feel like I’m a winner by just being me. And little by little, I am finding peace within myself,” parte ng wedding vow ni Alex.


“Happy ako na ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord. And I promise to take care of you, gaya nu'ng sinabi ko sa 'yo nu'ng una kitang tinanong. I promise to take care of you always and to protect you. I love you and thank you for everything,” sabi naman ni Mikee.


Plano ng mag-asawa na magkaroon pa ng isang big wedding this year. “By God’s grace, hoping to have a big wedding where we can celebrate with friends and whole family this year,” ang caption ni Alex sa vlog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page