top of page

Hanggang taong 2028.. 6.5M pabahay, sure na — P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | April 20, 2023




Tahasang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na lalampasan ng gobyerno ang taunang target nitong 1 milyong housing units na may probisyon ng hindi bababa sa 1.2 milyong housing units sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program (4PH).


Kumpiyansa ang Pangulo na makakamit ito dahil sa track record ni Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino "Jerry" Acuzar.


“Malaking kumpiyansa ko kasi noong nasa private sector siya nagagawa niya talaga eh. Alam niyang gawin eh. Kaya sa tingin ko, hintayin na lang natin ang mga aktwal na istruktura na magsimulang umakyat. ‘Yan, puntahan din natin ‘yan pagka nangyari na,” diin ng Chief Executive.


Isa sa mga pangunahing tagapagpahiwatig ng pagtaas ng bilang ng shelter availment ay ang pagtaas ng bilang ng mga bagong miyembro ng Pag-IBIG Fund at pagtaas ng interes ng mga tao na bumili ng mga bagong bahay, sabi ng Pangulo.


Bago makipag-usap sa mga mamamahayag, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang groundbreaking ng anim na proyektong pabahay sa Bulacan, na maaaring makabuo ng hanggang 30,000 shelter units.


Pinangunahan din ng Pangulo ang sabay-sabay na groundbreaking ceremony sa Malolos at mga bayan ng Pandi at Guiguinto.


Ang 4PH Program ay naglalayong magtayo ng isang milyong housing units taun-taon hanggang 2028 upang matugunan ang backlog ng pabahay sa bansa na naka-peg sa mahigit 6.5 milyong unit.


Sa ngayon, mahigit 130 memorandum of understanding na ang nilagdaan ng DHSUD kasama ang iba't ibang local government units sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula nang ilunsad ang 4PH noong Setyembre.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page