top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Hanggang sa Tate, umabot… ZANJOE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA NABUNTIS NIYA SI ANGELICA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2020
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 20, 2020




Ang daming mga nababalitang celebrities na preggy diumano, tulad na lang ni Maja Salvador kamakailan, at ngayon ay si Angelica Panganiban naman ang natsitsismis na buntis.


Courtesy daw ito ng kasamang aktor ni Angelica sa Walang Hanggang Paalam na si Zanjoe Marudo.


Kaya maging si Zanjoe ay nagulat sa mga balitang naglalabasan. Hindi raw niya alam kung saan ito nanggaling.


Si Angge ay tahimik lang at wala pang sinasabi sa mga kumakalat na chika tungkol sa kanya.


Heto namang si Zanjoe ay naglabas ng saloobin sa kanilang YouTube Channel ng kaibigang komedyanteng aktor na si Hyubs Azarcon. Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa isyu ni Angelica. Nag-shout out si Zanjoe na panoorin ang teleserye nilang Walang Hanggang Paalam.


Tinanong ni Hyubs kung sino ang kasama ni Zanjoe sa WHP.


Sagot ng aktor, "Sina Paulo Avelino, Arci Muñoz at Angelica Panganiban."


Sundot ni Hyubs kay Zanjoe, "Nabanggit mo si Angge, marami ang nagtatanong, ano ba... ano ba talaga?"


"Ano ba 'yung mga bali-balita na diumano, ehhh… sabi nila... totoo raw ba?"


Sey naman ni Zanjoe, "Bakit 'di mo sinabi... alam mo naman."


Sabi naman ni Hyubs, "No comment lang daw siya."


Maging sa Amerika raw ay umabot na rin ang balitang buntis ang aktres.


Kuwento ni Hyubs, "Tatay ko nga, nagtatanong din, eh."


Sa Amerika, habang naggo-grocery daw ang ama ni Hyubs ay may mga nagtatanong kung totoong preggy nga raw ang aktres kay Zanjoe.


Tanong tuloy ng aktor, puwede raw bang ireklamo ang mga gumagawa ng balita?


Pero bigla rin siyang kumambiyo, "Sige, lilinawin ko na po, magkaibigan lang kami ni Angelica. Sana nga, totoo na lang, eh."


Gustung-gusto na rin daw kasi ni Zanjoe ang magkaroon ng pamilya. Ang hanap daw niya sa isang babae ay 'yung hindi siya nagsasawang tingnan ang isang babae.


"At saka ang maio-offer ko sa kanya ay ang apelyido ko."


Matagal na ring hindi nakapag-vlog sina Hyubs at Zanjoe dahil halos five months daw silang nag-lock-in taping sa Subic ng WHP.


Tapos na raw silang mag-shoot kaya nakagawa muli sila ng kaibigan ng kanilang online show titled Zanjoe & Hyubs Talk Show.


Sey pa ni Zanjoe, hanggang March next year mapapanood ang kanilang teleserye.


Komento tuloy ng mga netizens, "Bakit ba ang daming naniniwala agad sa mga clickbait... Kahit sino i-link mo kina Angelica at Zanjoe, sigurado ako, maraming maniniwala."


"Hindi fake news but promo-ingay para sa naghihingalo nilang serye na pinagsamahan."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page