Hanggang radyo lang daw muna… TED, KUMANTA SA DAHILAN KAYA ATRAS LUMABAS SA TV
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 3, 2020

Napag-usapan daw nina Ted Failon at Luchi Cruz-Valdes na may plano ang TV5 na ituloy sa telebisyon ang tambalan sa Radyo Singko nina Ted Failon at DJ Chacha.
Pero sabi ni Ted, wala pa sa kanyang plano na mag-telebisyon.
"Honestly, sinabi sa akin ni Ma'm Luchi (Cruz-Valdes) sa isa naming usapan kung gusto kong mag-tv. Sabi ko, 'Ma'm (tingnan ko muna), kasi baka pressured mag-radyo," aniya sa apat na oras nilang programa ni DJ Chacha every morning from 6 AM to 10 AM.
"Tayo'y dumarating sa punto ng buhay na gusto ko namang magbigay ng maraming oras sa mga anak at apo ko. Practically, lumaki sila na hindi kami nagkikita. Ngayon, every night, naki-kiss ko sila, every morning, every night. Gusto kong mag-lie-low muna.
"Ang gusto ko lang ma-achieve at masubukan ay 'yung magpokus muna sa radyo. I'm so blessed, isang probinsiyano na nabigyan ng maraming oportunidad," sey ni Manong Ted.
Natanong si Ted kung meron ba silang pinagtalunang isyu ni DJ Chacha noong nasa ABS-CBN pa sila.
"Wala naman so far," maikli niyang tugon.
Respeto raw sa isa't isa dahil inaanak niya sa kasal si DJ Chacha. Isa sa mga hinahangaan niya kay DJ Chacha ay ang pagmamahal nito sa mga magulang.
"Noong hindi pa sila kasal, lagi kong sinasabi sa kanya na mahalin niya ang mga magulang niya hangga't nandiyan pa sila. Malungkot ang mawalan ng maagulang. Hanggang sa makita ko ang kanyang pagpupursige na mahalin ang kanyang mga magulang at doon ko siya hinahangaan. Sabi ko sa kaanya, ang magulang ay blessing hanggang sa kanilang pagtanda at hindi alagain," aniya.
Mapapakinggan ang tambalang Ted at DJ Chacha sa Radyo5 sa kanilang bagong FM news program na Ted Failon & DJ Chacha @ Radyo5 at mapapanood din ito sa TV5 & One PH.
Maghahatid sila ng maiinit na balita, magagandang musika at inspirasyon tuwing umaga simula ika-5 ng Oktubre (Lunes)!





Comments