top of page
WINNER - VILMA, GAME MAKASAMA SI VICE, ‘WAG LANG GAWING KATAWA-TAWA-Vilma Santos-Recto IG

Hanggang naubos na raw… HEART, ‘DI NA FRIEND ANG MGA ‘DI NAGBAYAD NG UTANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 21, 2026



Heart Evangelista - IG iamhearte

Photo: Heart Evangelista - IG iamhearte



Inamin ng aktres-global fashion icon na si Heart Evangelista na marami sa kanyang mga naging kaibigan ang nangutang sa kanya ngunit hindi na nagbayad.


Ibinahagi ni Heart ang karanasang ito sa The People Have Spoken (TPHS), ang original game show ng GMA Network na kanyang hino-host kasama ang Sparkle artist na si Sean Lucas.


Sa isang bahagi ng programa, natanong ni Heart si Sean, “Ikaw ba, inutangan ka na ba ng kaibigan mo at ‘di ka binayaran?”


Pabirong sagot ni Sean, “Feeling ko, kailangan kong mag-shoutout kasi ako ‘yung maraming utang, eh.”


Napangiti si Heart at sinabing “Ganu’n ba?”

Dagdag pang biro ni Sean, “Oo. Baka marinig nila ako. Shoutout sa inyo, guys. Past is past na tayo, ha?”


Pagkatapos ay ibinalik ni Sean ang tanong kay Heart, “Pero ikaw, Heart, sinu-sino naman ang umutang sa ‘yo? Sigurado, marami ‘yan.”


Diretsahang sagot ni Heart, “Oo, ang daming umutang sa ‘kin. Friend ko pa naman sila, pero ngayon, ‘di na,” sabay tawa.


Natawa rin si Sean at humirit, “Akala ko matatapos na ru’n sa ‘Friend ko pa rin naman sila,’ eh.”


Paliwanag naman ni Heart, “Hinayaan ko pa, eh. Hanggang naubos.”

In fairness, maraming netizens ang humanga sa pagiging totoo ni Heart. Ayon pa nga sa isang netizen, “Tama naman ang desisyon ni Heart. Respect na lang natin.”





SEY ng aktor na si Jake Vargas, malaking bentahe sa kanyang showbiz career ang pagiging mukhang bata.


Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang kanyang edad. Si Jake, na ipinanganak noong Hulyo 9, 1992 ay 34 taong gulang na.


Tinanong siya ni Boy Abunda kung marami pa rin bang nagugulat kapag nalalaman ang kanyang tunay na edad.


“Jake, marami pa rin ba ang nasu-surprise na treintahin ka na?” tanong ni Boy.

“Actually, Tito Boy, oo. Minsan, ‘pag may nakakasalubong ako, tapos sinabi ko ‘yung tunay kong edad, ang sinasabi nila, ‘Ha? 34 ka na? Mukha kang 20!’” sagot ni Jake.

Sunod na tinanong ni Boy, “As an actor, is that good? Is that bad?”


“It’s good, Tito Boy. Kasi malaking bagay para sa akin ‘yun dahil mukha pa rin akong bata,” sey ng aktor.


In fairness, super lucky ni Jake dahil nabiyayaan siya ng baby face, ‘di ba naman, Inah de Belen?





LALO pang hinahangaan ng maraming tao si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin habang mas nakikilala nila ang kanyang kabutihan at malasakit sa kapwa.


Madalas siyang maiugnay sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyenteng nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at gastusin sa ospital.


Hindi lamang sa kanyang tungkulin sa PCSO umiikot ang kanyang pagtulong. Sa pamamagitan ng Imelda Papin Foundation, patuloy din siyang nag-aabot ng tulong sa mga kapuspalad, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng pambili ng gamot, laboratory tests, at iba pang pangangailangang medikal.


Sa kabila ng kanyang matagal nang tagumpay sa mundo ng musika, patuloy na isinusulong ni Imelda ang pagtulong sa kapwa.


At dahil sa mga kabutihang iniuugnay sa kanya, maraming tao ang naghihikayat kay Imelda na subukan ang mas mataas na posisyon sa pamahalaan. May mga nagsasabing nais nila itong makitang tumakbo bilang senador sa 2028 national elections.


Kung pagbibigyan ni Imelda ang mga panawagang ito, panahon lamang ang makapagsasabi. 


Sa kasalukuyan, wala pa siyang inilalabas na pormal na pahayag hinggil sa usapin. Hinihintay na lamang ng publiko kung ano ang magiging pasya niya kaugnay ng 2028 national elections.


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page