Hanggang Miyerkules – Palasyo Gov’t offices at mga klase sa NCR, karatig-lalawigan, suspended
ni Lolet Abania | August 23, 2022

Sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga trabaho sa gobyerno at mga klase sa lahat ng levels sa pampublikong paaralan mula ngayong Martes hanggang Miyerkules dahil sa pagbayo ng Severe Tropical Storm Florita, ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).
Sakop ng suspension ng trabaho sa mga government offices at mga klase sa public schools ang Metro Manila, at karatig probinsiya kabilang ang Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan.
Ayon sa OPS, ang suspensyon ngayong Martes ay nagsimula ng ala-1:00 ng hapon.
“The heavy rains pose possible risks to the general public based on the recommendations of the Office of Civil Defense,” saad ng OPS sa isang statement.
“The same course of action for private schools and offices is left to the discretion of their respective heads,” dagdag nito
Samantala, sa 11AM bulletin ng PAGASA, limang lugar sa Northern Luzon ang inilagay na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 dahil sa Bagyong Florita.
Habang 12 lugar ang isinailalim sa Signal No. 2 at 8 lugar ang nasa Signal No. 1.
Ayon pa sa PAGASA, si ‘Florita’ nagawang mag-landfall sa bisinidad ng Maconacon, Isabela ng alas-10:30 ng umaga.





Comments