top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hangga’t mababa pa ang kaso, maghigpit na agad

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 12, 2022



ATUBILI ang mga awtoridad na higpitan ang lockdown.


Walang matibay na disposisyon!


◘◘◘


HINDI kailangan ang mataas na bilang bago maghigpit.


Dapat hangga’t mababa ang datos sa COVID, mas dapat maghigpit agad.

‘Yan ang epektibong pagkontra sa krisis!


◘◘◘


MALAKI ang tama ni Dra. Minguita Padilla na kailangan talaga ipatupad agad ang dalawang linggong Alert Level 4 sa NCR.


Hindi puwedeng kung kailangan grabe na at doon pa lang sila maghihigpit.


Simpleng sintido kumon, ‘di ba?


◘◘◘


NILINAW ni Padilla na bagaman malaking porsiyento ng populasyon ng Metro Manila ang bakunado na, mayroon pa rin aniyang kinakailangang maospital.


“Bukod sa COVID-19, mayroon ding naoospital dahil sa ibang sakit. Paano na ang ating health workers kung sila mismo ang magkasakit?”, tanong ni Padilla na kasama sa senatorial slate ng Partido Reporma.


◘◘◘


“WALANG saysay ang pagkakaroon ng maraming pasilidad kung walang mga healthcare workers na mag-aalaga sa mga pasyente kasi ang daming naka-quarantine,” dagdag pa ng doktora.


Nakakaawa rin umano ang mga negosyong maaapektuhan sakaling magdeklara ng Alert Level 4 sa NCR, ngunit maigi aniyang magdeklara na ngayon habang pasimula pa lamang ang taon.


◘◘◘


“ANG mga tao gumastos nang malaki noong Kapaskuhan, hindi na muna sila gagastos ng malaki sa pagpasok ng Enero,” paliwanag ni Padilla.


“May economic loss, for sure, pero hindi gaano kalaki ang impact nito, lalo na kung dalawang linggo lamang ang Alert Level 4,” aniya.


◘◘◘


MAAARING amyendahan ng National Task Force Against COVID-19 at LGUs ang ilang probisyon sa Alert Level 4 hinggil sa pagsasara ng ilang establisimyento upang luwagan ang ilan para sa mga fully vaccinated at may booster shots.


Sa ganitong paraan aniya ay hindi magiging masyadong malaki ang epekto sa ekonomiya sakaling magkaroon ulit ng lockdown.


Kailangan lang talagang maging istrikto ang mga establisimyento sa pagpapatupad ng safety measures, tulad ng magandang ventilation o pagdaan ng hangin, at pagpapakita ng vaccination cards.


◘◘◘


NANINIWALA ang naturang doktora na Omicron variant ang kumakalat sa NCR dahil sa dami ng nagpositibo sa COVID.


Dagdag pa niya na malamang ay muling bumaba ang mga kaso matapos ang tatlong linggo tulad ng nangyari sa South Africa.


◘◘◘


“UMAAPELA lang tayo sa ating gobyerno na paigtingin pa ang vaccination efforts sa ibang lugar, lalo na sa mga probinsiyang para mas mabilis tayong maka-recover sa pandemya,” sabi ng doktora.


Huwag natin hintaying kumalat ang Omicron sa ating mga probinsiya, lalo na sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, kung saan wala pa ring kuryente at tubig ang mga lugar, at maraming kumakalat na ibang sakit.


◘◘◘


DELIKADONG mahawa ang mga taga-Visayas at Mindanao.


Baka hindi kakayanin ng kanilang mga ospital kung sakaling dumapo ang Omicron sa kanila ngayon?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page