Handa na ang Gilas Girls sa malaking laban sa Chile
- BULGAR

- 17 hours ago
- 2 min read
by MC @Sports News | August 4, 2026

Photo: Nag-courtesy call muna kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy (gitna nakaupo) ang koponan ng Alas Pilipinas Girls U17—(mula kaliwa, nakatayo) Irish May Mahinay, Nadeth Faye, Jhenica Sadia, Sharina Rhyza Lleses, Jello Andrea Mauricio, Megan Yesha Hernandez, Xyz Ellen Rayco, Cristina Madele Gale, Jhaynna Love Bulandres, Frances Dianne Ramos at Caera Celis at Princess Khaira Manzano, Taj Arkhea Teves, Resty Jane Olaguir kasama ang coaches at physical therapist. (PSCpix)
Unang paghamon ang jetlag at dobleng husay sa laro para sa Alas Pilipinas Girls sa FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship habang nasa biyahe ng nakakapagod na 32-oras na paglipad mula Maynila patungong Chile.
Pinangunahan nina Megan Yesha Hernandez ng UST, Xyz Ellen Rayco ng NU, Sharina RhyzaLleses ng King’s Montessori School, Cristina Madela Gale ng Bacolod Tay Tung, at Caera Celis ng St. John’s Institute ang squad na umalis kahapon para sa 24-nation championship sa Agosto 6 hanggang 16.
Nakikita ni Coach Edwin Leyva ang mga positibong bagay sa mahabang biyahe, na itinuturo ang pagkakataon para sa mga batang babae na magbuklod at mag-reset bago magsimula ang pagsubok.
Ang World No. 25 Philippines ay kinabibilangan din nina Jhaynna Love Bulandres, Irish May Mahinay, Princess Khaira Manzano, at Frances Dianne Ramos ng NU, ay nasa Pool B kasama ang nangungunang China, Mexico, Peru, Tunisia, at Venezuela.
Ang host Chile ang nangunguna sa Pool A kasama ang Czechia, Egypt, Thailand, Turkiye, at US. Ang World No. 2 Japan ang sa Pool C, Argentina, Brazil, Croatia, Spain, at Poland. Ang ikatlong ranggo na Italy ang nangunguna sa Pool D kasama ang Korea, Algeria, Dominican Republic, Puerto Rico, at Chinese Taipei.





Comments