top of page
Search
  • BULGAR

Hamon sa mga nag-aprub sa Maharlika, mananagot ‘pag nakurakot ang P500B investment

@Editorial | July 6, 2023


‘Ika nga, ilang kembot na lang at tuluyan nang magiging batas ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.


Ito ay matapos lagdaan nina Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco ang kontrobersiyal na panukala.


Kinumpirma naman ng Senado na nai-transmit na sa Malacañang ang MIF Bill para lagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Una nang napagdesisyunan ng Kamara na i-adopt ang bersyon ng Senado ng MIF Bill nang sa gayon ay makapagsimula na ang Executive na bumuo ng rules and regulations.


Inihayag na rin ng Pangulo na agad niyang pipirmahan ang panukala sa sandaling umabot na ito sa kanyang opisina.


Nangangahulugan lang ito na tiyak nang magiging batas ang Maharlika Bill, gayunman, may mga naniniwala pa rin na walang kasiguruhan na magiging safe ang sinasabing P500 bilyong investment.


Kung puwede lang sanang hamunin na pumirma sa kasunduan ang lahat ng nag-aprub sa panukala na sila’y mananagot kapag nalugi o nakurakot ang investment, mas panatag.


Hamon din sa lahat ng nasa gobyerno, bantayan ang pondo, tuparin ang umano’y magagandang plano para sa kapakinabangan ng taumbayan at huwag bantay-salakay!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page