top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hamon sa mga kabataan, pumili ng lider na maaasahan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2023
1 min read

@Editorial | October 30, 2023


Ngayong araw na ang itinakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Maaaring para sa iba ito ay simpleng araw lang na lilipas din. Pero dapat nating maunawaan na sa araw na ito, nakasalalay din kung ano ang magiging takbo ng ating barangay, ng lipunan, sa mga susunod na taon.


Kaya apela sa mga botante, piliing mabuti ang ibobotong kapitan at mga kagawad ganundin ang mga kakatawan sa kabataan.


Huwag nating piliin ang mga kandidato na puro bola, huwag masindak sa mga pananakot at lalong ‘wag magpadala sa panunuhol o bumibili ng boto. Huwag nating bigyan ng presyo ang ating dignidad, bumoto tayo nang ayon sa konsensya. Makiisa tayo sa maayos at may kredibilidad na halalan.


Paalala naman sa mga kabataan, panghawakan at pahalagahan natin ang karapatan sa pagboto. Sa pamamagitan ng ating pakikilahok, tayo’y may kapangyarihang lumikha ng pagbabago at ito rin ay magsisilbing hamon para sa atin na maging tunay na pag-asa ng kinabukasan.


At dahil hindi natatapos sa isang araw ang lahat, patuloy tayong maging mapagmatyag sa mga susunod na linggo. Tiyakin nating tama ang mga nailuklok sa puwesto at kung may matuklasang pandaraya o ano mang ilegal na pangyayari, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.


Kailangang ang resulta ng eleksyon ay tunay na kumakatawan sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino at hindi ng iilan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page