top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hamon sa gov't. officials, mag-Noche Buena sa budget na P500

BULGAR
Dec 9, 2022
1 min read

@Editorial | December 9, 2022


Marami ang nawindang sa hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sukli pa ang P500 budget sa Noche Buena.


Ito ang iginiit ng DTI matapos ang kanilang pag-iikot sa mga pamilihan.


Ayon pa sa ahensya, kailangan lang ng diskarte sa pamimili.


Sapat din daw ang P500 para makabili ng mga pangunahing bilihin sa pang-araw-araw na pagkain.


Totoo naman na may mararating ang P500 na budget. Totoo rin na maitatawid nito ang pang-Noche Buena ng isang mag-anak.


Pero nakakalungkot na tila ang baba ng pagtingin ng gobyerno sa mga karaniwang pamilya sa mga ganitong klaseng pagsasalo-salo tulad ng Noche Buena.


Marahil kaya rin hindi umaangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap ay dahil ang gobyerno mismo ang pumipigil nito.


Tama na ang pagpapanggap na maka-mahirap. Hindi dapat kinukondisyon ang utak ng tao na tanggapin ang katotohanan na mahirap lang at hindi kayang umangat.


Ang pagkain ay hindi luho, ito ay pangangailangan. Hindi naman kailangang maghangad ng magarbo o sobra-sobrang handa dahil sa totoo lang, araw-araw naman ang pagtitiis sa walang awat na taas-presyo ng mga bilihin.


Ang hamon tuloy sa mga opisyal ng pamahalaan, kayo kaya ang maghanda ng Noche Buena o magdaos ng party sa halagang P500, saka n'yo sabihin na may sukli pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page