top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Halos tig-P.5 million… Ilang winners ng 6/55 Grand Lotto, kinubra na ang premyo — PCSO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 3, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | October 3, 2022


Tulad ng inaasahan, ilan sa 433 winners ng 6/55 Grand Lotto draw noong Oktubre 1, ay nagsimula nang kuhanin ang kanilang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City, ngayong Lunes, ayon sa ahensiya.


Nai-share ng PCSO sa kanilang official Facebook page, ang mga larawan ng ilang lucky bettors na nakasungkit ng winning number combination na 09-45-36-27-18-54, kung saan maghahati-hati sa higit P236 million jackpot prize.


“Dumating na sa tanggapan ng PCSO Main Office sa Mandaluyong City ang ilan sa 433 Jackpot Winners sa naganap na Grandlotto 6/55 draw noong Sabado, October 1, 2022 upang kubrahin ang kanilang napanalunan,” ayon sa FB post ng PCSO.


“Paghahatian ng 433 Jackpot Winners ang Jackpot Prize na Php236,091,188.40,” dagdag ng ahensiya.


Bawat winner ay inaasahang makatanggap ng P545,245.24, subject ito sa 20 percent tax.

Ayon sa PCSO, mayroon ding 331 winners ng second prize na halagang P100,000, at 2,491 third prize winners na tatanggap ng P1,500 bawat isa.


Ipinahayag din ng ahensiya na ang first winner na nakatanggap ng kanyang premyo ay sinasabing bumiyahe pa ito ng 10 oras para makarating sa opisina ng PCSO.


“Nagpapasalamat po ako sa PCSO na marami kaming nabibiyayaan ng Jackpot Prize.


Nagbiyahe po ako ng sampung oras upang makarating dito at makuha ang aking napanalunan,” anang PCSO base sa naging pahayag ng isang winner.


“Tumataya po talaga ako ng pattern 9, pattern 8, pattern 7 at pattern 6 sa loob ng maraming taon at ako’y nagpapasalamat na ngayon ay napanalunan ko na,” dagdag pa nito.


Nitong Linggo, ipinahayag naman ni PCSO vice chairperson at general manager Melquiades Robles na ang naging mga resulta sa lotto ay nagpapakita lamang ng gawi ng mga Pilipino pagdating sa betting, partikular na ang pagpili at pag-aalaga nila ng kanilang numero


“Kaya maraming nanalo, kasi ang daming nag-aalaga [ng numero],” saad ni Robles sa isang news conference.


Tiniyak din ni PCSO chairperson Junie Cua sa publiko na ang insidente incident was above board.


"While statistically this is a very rare occurrence, theoretically it can also happen because lottery is a game of chance,” sabi naman ni PCSO chairperson Junie Cua sa interview ng ANC ngayong Lunes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page