top of page

Halos 55M katao, nakakaranas ng gutom sa West, Central Africa

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 13, 2024




Nagbabala ang mga U.N. humanitarian agencies noong Biyernes, na nagpapalubha sa krisis sa pagkain ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa West at Central Africa, kung saan mahigit sa 55 milyong katao ang mahihirapang magkaroon ng makakain sa mga susunod na buwan.


Ayon sa World Food Programme, UNICEF, at Food and Agriculture Organization, kasama sa pinakaapektadong mga bansa ang Nigeria, Ghana, Sierra Leone, at Mali, kung saan inaasahang 2,600 katao sa mga lugar sa hilaga ang magdaranas ng kritikal na gutom.


Dahil sa kakulangan sa pagkain, sinabi rin ng mga ahensya na humigit-kumulang sa 16.7 milyong mga bata sa ilalim ng limang taong gulang ang nakakaranas ng malnutrisyon sa buong West at Central Africa.


Bukod dito, lumalala rin ang sitwasyon dahil sa matinding pagdepende ng rehiyon sa importasyon ng pagkain, lalo na sa mga bansang nakararanas ng mataas na inflation tulad ng Ghana, Nigeria, at Sierra Leone.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page