top of page
Search
  • BULGAR

Haiti bumuo ng bagong gobyerno sa gitna ng isyu sa mga gang

ni Angela Fernando @Overseas News | June 12, 2024



Showbiz Photo

Bumuo ng bagong gobyerno ang Haiti upang subukang ibalik ang kaayusan sa bansang ngayo's nasa gitna ng pag-atake ng mga gang.


Ganap na pinalitan ng bagong gabinete ang lahat ng mga ministro mula sa gobyerno ng dating Prime Minister Ariel Henry, na pinilit magbitiw nu'ng unang parte ng taon ng mga gang na kumokontrol sa malaking bahagi ng Haiti.


Ang anunsyo ng bagong gabinete ay dumating dalawang linggo matapos italaga ng transitional government council ng bansang si Garry Conille bilang pansamantalang PM.


Habang may ilang mga Haitian na nahihikayat ng mga unang hakbang na patungo sa pagbalik ng kanilang bansa sa kapayapaan, lalo na matapos ang muling pagbubukas ng internasyonal na paliparan ng bansa, marami pa rin ang labis na nag-aalala tungkol sa laki ng hamon na kinakaharap ng bagong gabinete.


Patuloy namang kinokontrol ng mga gang ang karamihan ng kabisera, Port-au-Prince, at tumatanggi ang mga lider ng gang na kilalanin ang pagiging totoo ng pansamantalang konseho o anumang bahagi ng transitional leadership.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page