top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hacker strikes again, NBI galaw-galaw

BULGAR
Jan 16, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 16, 2023


Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa nangyaring pangha-hack sa kanilang social media accounts.


Matatandaang unang dinagsa ang DSWD ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP).


Ito ay sa kabila ng wala pang aplikasyon sa nasabing programa at wala pang pamamahagi ng ayuda.


Patunay na grabe talaga ang fake news. Maraming senior citizens, buntis at pati bata ang nahirapan.


Kaya, plis lang, huwag agad maniwala sa mga sabi, tsismis o post online. Tiyaking legit ang pinagmulan ng impormasyon para hindi mabiktima. Puwede ring direktang makipag-ugnayan sa kinauukulan para sigurado.


Samantala, ito namang mga hacker na walang magawa sa buhay, makonsensya naman kayo. Tigilan n'yo ang panloloko sa kapwa. Ang talino at kakayahan ay ginagamit sa tama at kabutihan, hindi sa kasakiman. Huwag matukso dahil may balik 'yan.


Apela naman sa NBI at sa iba pang ahensya ng gobyerno, doble o triple-kayod pa tayo sa pagtugis sa mga hacker. Kapag nahuli, hubaran agad ng maskara at panagutin para hindi na umulit o tularan ng iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page