top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Habang tuloy ang laban sa pandemya, ‘wag mawalan ng pag-asa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 15, 2022



Halos dalawang taon nang nagsimulang maminsala ng COVID-19 pandemic, unti-unti nang nakakabalik sa normal ang ating pamumuhay.


Bagama’t marami nang pagbabago at unti-unting nasasanay ang ilan, marami-rami pa ring nangangapa sa sitwasyon.


Kaugnay nito, 51% ng mga Pilipino ang umaasa na matatapos na ang krisis sa COVID-19 sa bansa sa katapusan ng 2022.


Ito ay base sa Fourth Quarter 2021 Social Weather Survey (SWS) na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021.


Gayunman, parehong bilang din ng mga Pinoy ang pabor sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng Pilipino, habang 35% ay ayaw at 14% ang hindi pa desidido.


Marahil, ang nagbibigay ng positibong pananaw sa marami nating kababayan ay ang mga kapansin-pansing pagbabago, tulad ng pagbaba ng mga naitatalang COVID-19 cases at unti-unting pagbangon ng ekonomiya dahil marami na ring nakabalik sa kani-kanilang trabaho o hanapbuhay.


Kaya habang tuloy ang laban natin sa pandemya, tama lang na hindi tayo dapat mawalan ng pag-asang matatapos din ito.


Sa ngayon, hiling natin ang suporta ng taumbayan sa mga programa ng gobyerno kontra COVID-19.


Siyempre, kasabay nito ang disiplina at pang-unawa ng taumbayan sa lahat ng pagkakataon. Dahil tulad ng palagi nating sinasabi, hindi lamang gobyerno ang dapat kumilos dahil tayong mamamayan ay may obligasyon din.


Pakiusap sa lahat, kaunting tiis pa, malalampasan din natin ang laban sa pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page