- BULGAR
Habang nasa state visits si P-BBM… VP Sara, bilang OIC ng bansa
ni Lolet Abania | September 4, 2022

Itinalaga si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge ng bansa, kasunod ng state visits ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore ngayong linggo.
Isang kopya ng Special Order No. 75, na nagde-designate kay VP Sara Duterte bilang officer-in-charge, ang ini-release ng Office of the Press Secretary sa media ngayong Linggo, Setyembre 4.
Batay sa special order, umalis ng bansa si Pangulong patungong Indonesia, “to put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong partnerships that are necessary for us to come out of the post-pandemic economy.”
Matapos ang pagbisita ng Punong Ehekutibo sa Indonesia, didiretso siya sa Singapore kung saan inaasahan din na magiging matagumpay ang mga investment deals na nakabilang sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.