top of page

Habang nasa ibang bansa… ALDEN, NAGPARINIG SA MGA KURAKOT, VIRAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 40 minutes ago
  • 3 min read

ni Nitz MIralles @Bida | September 12, 2025



Alden Richards / IG

Photo: Alden Richards / IG


Wala sa bansa si Alden Richards dahil lumipad ito pa-Italy noong Wednesday para sa Ferrari launch. Walang update at hindi nabanggit ng aktor na papunta siya sa Italy, kaya waiting ang kanyang mga fans sa kanyang post na hanggang ngayon ay wala pa.


Ayon naman sa mga fans, sanay na sila na hindi nag-a-update si Alden sa mga lakad niya at pagbalik na lang ito nagpo-post. Ang sabi, work-related ang biyahe niya at siya ay inimbitahan. Naniniwala ang mga fans ng aktor na kaya siya nakilala ng mga taga-Ferrari ay dahil ang mga bike niya ay Ferrari ang brand. Kahit mahal at kahit nasira ang isa niyang Ferrari bike, ito pa rin ang brand niya.


Wala pang trabaho si Alden kaya puwede siyang mag-travel. Nakapag-taping siya para sa dance reality show niyang Stars On The Floor (SOTF) at for sure, nagpaalam sa flight school kung saan siya naka-enroll.


Kahit wala sa bansa, pinag-usapan pa rin si Alden dahil ipinost ang definition ng “Kuracaught” (kurakot). Ang meaning daw nito ay mga corrupt official o indibidwal na huling-huli na sa ginagawang walang-habas na katiwalian at pangungurakot.



NASA Brazil si Miguel Tanfelix sa latest post nito at first itinerary yata ng aktor sa kanyang South America journey. Nabanggit niya ang “Solo backpacker, budget flights, hostel nights and South America—a journey brb (be right back) PH.”


Hindi ito ang first time na bumiyaheng mag-isa si Miguel. Nagba-backpack na siya dati pa, pero ngayon lang may mga fans na umaway sa kanya. Ang kasalanan daw niya ay hindi isinama ang girlfriend na si Ysabel Ortega sa kanyang biyahe.


May galit na nag-comment, “Tama, Miguel, lagi ka na lang mag-solo para pag-uwi mo, may babae ka na. Tama ‘yan para maging single na si Ysabel at maligawan ng guy na deserve ng pagmamahal n’ya. Parang ‘di kasi ikaw ‘yun, enjoy mo ‘yang pagso-solo mo.”


Hindi na si Miguel ang sumagot sa comment na ito, kundi mga fans niya. Paano raw isasama ni Miguel si Ysabel, eh, backpacker siya at sa budget hotel magtse-check-in. Kaya raw ba ni Ysabel mag-budget hotel? 

Isa pang tanong ng fan, papayagan ba si Ysabel ng mom niya na sumama nang solo kay Miguel?


Ang ibang mga fans naman, pinaalalahanan at pinayuhan si Miguel na mag-iingat sa South America dahil sa mga balita. ‘Wag daw siyang pumunta sa party places at ‘wag din daw niyang sabihing actor siya. 

“Always stay on the safe sides,” ang payo nila.



MAY magkasunod na tweet si Pokwang na marami ang nag-react at nag-comment. 

Unang tweet, “‘Yan na!!! Laglagan na!!! Unti-unti na mabibigyan ng mukha at pangalan ang tunay na kalaban ng bayan. Woohoo! EXCITING.”


Sinundan ito ng tweet na, “Shutang ina!!! Hindi ka pala ligtas Senator??? It’s a prank??? God bless our country.”


Sa last tweet ni Pokwang, marami ang nag-react at umaasang hindi matigil sa hearing at pagsampa ng kaso sa mga corrupt ang mangyayari. Gusto ng taumbayan na makulong ang mga corrupt at higit sa lahat, maibalik sa gobyerno ang kanilang mga ninakaw.



ANG nakakaaliw na comment ni Kakai Bautista para kay Bea Alonzo, “Cheng!!! Pa-grocery ka naman d’yan! Love you!” 


Hindi pa yata nababasa ni Bea ang request ni Kakai. Maganda sana kung kanyang sasagutin at waiting ang marami kung ano ang kanyang sagot.

Boyfriend kasi ng aktres si Vincent Co, anak ng may-ari ng PureGold at S&R, kaya

naglambing sa kaibigan. 


Kapag binigyan ni Bea ng gift certificate si Kakai, kahit P5,000 lang, ang dami na niyang mabibili.


Anyway, walang sightings kina Bea at Vincent lately kaya nabahala ang mga fans nang marinig ang Lovefool song ng The Cardigans na ginamit ni Bea na background sa kanyang post. 


Nang tanungin kung bakit ‘yun ang song, sagot ni Bea Alonzo, “Gusto ko lang ‘yung song. No meaning.”


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page