Habang nasa Cambodia si P-BBM… VP Sara, bantay uli sa ‘Pinas — Malacañang
ni Lolet Abania | November 9, 2022

Muling itinalaga si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge ng bansa habang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nasa Cambodia para sa 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang sa mga reporters sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ngayong Miyerkules ng hapon.
Lumipad si Pangulong Marcos patungong Phnom Penh para dumalo sa Summits, kung saan itinuturing niyang isang oportunidad para maisulong at maprotektahan ang interes ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, tatalakayin nila ang tungkol sa regional cooperation sa maritime security, climate change, food security, health cooperation, at economic recovery sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi pa ng Chief Executive na ang ASEAN ang magiging instrumento upang i-address ang mga regional issues gaya ng COVID-19 pandemic, ang sitwasyon sa Myanmar, mga development sa South China Sea at ang nagaganap na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.





Comments