top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Habang namamasada... E-trike driver binaril sa mukha, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | October 21, 2026



Crime scene on the road or highway

Photo: File



Dedbol ang 34-anyos na e-trike driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa kilalang riding-in-tandem sa Malabon City, Lunes ng gabi.


Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, alas-8 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktimang si alyas Christian, ng Brgy. Catmon, sa kanto ng M.H. Del Pilar St. at Basilio St. Brgy. Tugatog.


Lumabas sa imbestigasyon na habang namamasada ang biktima para pambili ng gatas ng bagong panganak niyang live-in partner nang barilin sa mukha ng isa sa mga suspek.


Dead-on-the-spot ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Sa beripikasyon, napag-alaman na nakulong na ang biktima dahil sa paglabag sa pag-iingat ng pampasabog noong Pebrero 19, 2024.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page