Habang hinihintay ang resulta ng swab test… MAJA, UMAMING MAGKASAMA SILANG NAG-QUARANTINE NG BF
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 25, 2020

Ikinuwento ni Maja Salvador sa kanyang Instagram Story na nagpa-swab test ang boyfriend na si Rambo Nuñez dahil nag-positive sa COVID-19 ang isa nitong kasama sa bahay.
Sa kuwento ni Maja, two weeks ago ay umuwi raw si Rambo sa bahay nito para kumuha ng gamit at hindi naman nito alam na may nagpositibo pala sa COVID-19 na isang kasama nito sa bahay.
Nang malaman daw ito ni Rambo ay kaagad itong nagpa-swab test.
“Ilang days kami naka-quarantine sa house while waiting sa result ng swab test niya @rambonunez and now na lumabas na at NEGATIVE!
“THANK YOU LORD GOD!” ang post ni Maja.
Sa larawan ay makikita ang result ng test ni Rambo na nagsasabi ngang negative ito sa COVID-19.
Hindi namin alam kung magkasama na sa bahay sina Maja at Rambo, pero base sa post niya, magkasama silang nag-quarantine.





Comments