Habambuhay na pagkakakulong sa magbebenta ng sexual material na sangkot ang menor-de-edad
- BULGAR
- Jun 3, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 03, 2021
Noong nakaraang linggo, ipinasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong protektahan ang kabataan laban sa online sexual abuse at exploitation.
Sa botohan na 23-0-0 (yes, no, abstain), naipasa sa third and final reading ang Senate Bill No. 2209 o ang Special Protections against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law.
Isa tayo sa mga nagpanukala ng SBN 2209, makapaglalatag ng mas malakas na safeguards ang pamahalaan kontra OSAEC.
☻☻☻
Napakahalagang maisabatas ito sa lalong madaling panahon dahil sa pagtaas ng kaso ng OSAEC, lalo na sa gitna ng pandemya.
Ayon sa Department of Justice, umabot sa 1.3 milyon ang natanggap nitong tipline report tungkol sa online sexual abuse at child exploitation mula January-December 2020.
209 percent na pagtaas ito mula noong 2019 na nagkaroon ng mahigit 418,000 cyber tips.
☻☻☻
Kasama sa mga probisyong nakikitang tutulong sa pagsupil ng OSAEC ay ang pagpataw ng parusang panghabambuhay na pagkakulong sa mapatutunayang nagbebenta o nagpapamahagi ng mga sexual materials na tampok ang mga menor-de-edad.
Papanagutin din ang mga internet service provider at online platform, at magkakaroon ng “online sex offenders registry.”
☻☻☻
Umaasa tayong ipapasa na rin ng House of Representatives ang kanilang counterpart bill nang maisabatas na ang anti-OSAEC law.
Kapakanan ng kabataan natin ang nakasalalay dito.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments