Gustong solo lang niya… KIM, AYAW MAKIPAGSABAYAN SA MGA NAGPAPAKASAL NA CELEBS
- BULGAR
- Aug 14, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 14, 2023

Sa panayam ni Bianca Gonzalez kay Kim Chiu for CinemaNews, isa sa mga tanong sa aktres ay kung nape-pressure ba siya sa nakikitang kaliwa’t kanang proposals, engagements at kasalan ngayon sa showbiz.
“Ah… hindi naman. Kasi, mas matanda naman sila sa ‘kin. So, parang why am I gonna be in a hurry? So, parang mayroon namang tamang timing for everyone.
“Maybe, it’s their time now. So, parang bakit ka naman makikisabay? Mas maganda ‘pag ikaw lang,” sey ni Kim.
Dagdag pa ng aktres, kani-kanyang season lang daw ‘yan at sa ibang season daw siya.
“Season nila ngayon, so, sa ibang season tayo. So, parang bakit mo naman ira-rush ‘yung mga bagay dahil uso siya ngayon? So, parang hindi naman siya damit na susuotin mo, puwede mong hubarin. It’s a commitment kasi.
“So, parang since magkakaedad sila, parang siguro it’s their time na. So, parang mayroon namang timing. Timing is everything,” she said.
“I don’t feel any pressure right now,” giit pa ni Kim.
As we all know ay matagal-tagal na rin ang relasyon ng aktres sa boyfriend na si Xian Lim at noon pa ay inaabangan na ng mga tao especially ng mga KimXi fans kung kailan magpo-propose ang aktor.





Comments