top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gustong ibenta ang parte sa lupaing minana sa magulang 

  • BULGAR
  • Jan 7, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 7, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay panganay sa limang magkakapatid. Pinamanahan kami ng aming mga magulang ng lupain sa Batangas. Hindi pa namin ito naisasailalim sa partition, ngunit nais kong ibenta sa aking kapitbahay ang kanang bahagi ng lupaing ito. Maaari ko bang ibenta ang specific portion ng lupain kahit hindi pa kami nakakapag-partition ng aking mga kapatid? - Estelita


Dear Estelita,


Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Cabrera v. Ysaac, G.R. No. 166790, November 19, 2014, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic Leonen, nakasaad na:


“If the alienation precedes the partition, the co-owner cannot sell a definite portion of the land without consent from his or her co-owners. He or she could only sell the undivided interest of the co-owned property. As summarized in Lopez v. Ilustre, "[i]f he is the owner of an undivided half of a tract of land, he has a right to sell and convey an undivided half, but he has no right to divide the lot into two parts, and convey the whole of one part by metes and bounds.” (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, ang consent o pahintulot ng mga co-owners ay kinakailangan upang makapagbenta ng specific portion ng lupain sa ibang tao kung ang lupain ay hindi pa naisasailalim sa partition. Kung ang lupa nama'y naisailalim na sa partition, nagkakaroon ng ownership sa specific portion ng lupa ang isang tagapagmana, kaya malaya na niyang maibebenta ang kanyang specific portion at hindi na kakailanganin pa ng pahintulot ng ibang tao sapagkat sa ganitong pagkakataon, ang co-ownership ay nabuwag na.


Sapagkat iyong nabanggit na hindi pa naisasailalim sa partition ang inyong lupain, kakailanganin mo ang pahintulot ng iyong mga kapatid (o tinaguriang mga co-owners) upang matagumpay na makapagbenta ng specific portion ng lupa sa iyong kapitbahay. Kung hindi maging matagumpay ang pagkuha ng kanilang pahintulot, maaari mo pa ring maibenta ang undivided interest mo sa lupain ngunit ang interes na ito ay nakadepende sa portion na maibibigay sa iyo matapos ang partition.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page