top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gusto pala ni Panelo na napapanood siya sa ABS-CBN, tapos may pa-shutdown-shutdown pa siya

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 10, 2021



DAMING PROBLEMA NG ‘PINAS, TAPOS AYAW PANG LUBAYAN NI ROQUE ANG PAMUMULITIKA—Sabi ni Presidential spokesman Harry Roque, sakaling hindi kumandidatong pangulo sinuman kina Mayor Sara Duterte-Carpio at Sen. Bong Go ay kina ex-Sen. Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao mamimili si P-Duterte kung sino ang ipanlalaban ng administrasyon sa 2022 presidential election.


Hay naku, ang daming problema ng bansa, daming tinatamaan at namamatay sa COVID-19, daming nagugutom sa lockdown at daming nawalan ng work, tapos ayaw pang umalis sa Julian Felipe Reef ang mga barko ng China, tapos ang lumalabas sa bunganga ng spokesman ng pangulo ay pang-2022 presidential election, pwe!


◘◘◘


KUNG FAKE ANG SURVEY, TALO ANG I-ENDORSO NI P-DUTERTE—Dahil sa inilabas na survey ng Publicus Asia na hataw sa taas ang rating ni P-Duterte ay ibinida ni Roque na ang sinumang kandidato ang i-endorso ng pangulo ay sure win na.


Kung totoo ang survey, puwede ngang manalo ang i-endorso ni P-Duterte, pero ang masaklap ay kung fake ‘yung survey kasi kung peke ay siguradong talo sa eleksiyon ang susuportahang kandidato ng pangulo, boom!


◘◘◘


KAKABA-KABA NGAYON ANG MGA NATURUKAN NG ASTRAZENECA—Matapos mabalita na namumuuo ang dugo ng mga nababakunahan ng AstraZeneca ay agad ipinatigil ni Health Sec. Francisco Duque III ang pagpapabakuna nito sa mga health workers at iba pang mamamayan.


Pambihira, wala pa ngang sinasabi ang World Health Organization (WHO) na delikado ang AstraZeneca, biglang ipina-stop ni Duque ang paggamit.


Dahil sa utos niyang ‘yan ay kakaba-kaba ngayon ang mga naturukan na ng first dose ng AstraZeneca, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


PANELO, SINUPORTAHAN ANG SHUTDOWN NG ABS-CBN, PERO GUSTO NAMAN PALANG NAPAPANOOD SIYA SA PALABAS NG KAPAMILYA NETWORK—Tinarayan ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang ABS-CBN kasi hindi siya isinama sa kinober ng Kapamilya network sa mga nagbigay-pugay sa online neurological service sa yumaong singer na si Claire dela Fuente.


Kita n’yo asal ni Panelo, napaka-bad kasi isa siya sa mga sumuporta para ma-reject ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, ‘yun pala ay gustung-gusto niyang napapanood sa palabas ng Kapamilya network, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page